^

Pang Movies

Pops hindi pa ready na pakawalan ang mga anak

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Ang tagahanga pa ang nag-remind kay Pops Fernandez na ang wedding anniversary nila ng kanyang ex-husband na si Martin Nievera ay noong nakaraang June 28.

Kung sila pa rin daw, sana ay 27 years na silang kasal.

“Nakalimutan ko, ’di ba?” sabay tawa ng Concert Queen.

“Kung hindi pa ako ni-remind ng isang fan namin I would have really forgotten it. Pero sino naman ang sasabihan ko ng ‘Happy Anniversary,’ ’di ba? Wala naman kaya okay na rin ’yung hindi ko naalala.”

Parehong puwede nang mag-asawa ang mga anak nilang sina Robin (26 years old) and Ram (23 years old). Pero wala pa ring alam si Pops kung may plano na ang dalawa.

“Sana huwag muna. Hindi pa ako ready na mag-asawa silang dalawa. Tingin ko pa rin sa kanila ay babies ko. Kapag nag-asawa na sila, sino pa ang mga lalambingin ko? Siyempre doon sila sa mga magiging asawa nila.

“Plus, ayoko pang maging lola! Hindi pa ako ready,” tawa uli ng singer-producer.

Busy si Pops ngayon sa pagpo-produce ng show nina BB Gandanghari at John Lapus na Beauty and the Sweet sa Music Museum on Aug. 2 and 3.

Apo ni Elvis idinenay na ka-date ng Twilight star na si Pattinson

Pagkatapos officially makipagkalas ang Twilight star na si Robert Pattinson sa kanyang girlfriend na si Kristen Stewart, nabalitang dine-date ngayon nito ang granddaughter ni Elvis Presley na si Riley Keough.

Pero mabilis nag-deny ang apo ng the King of Rock & Roll tungkol sa kumalat na rumor sa kanila ni Pattinson.

Meron kasing photographer na nakunan ang Twilight star na may kasama sa kanyang Silverado pickup truck na malaki ang hawig kay Keough.

Paliwanag ni Keough, imposibleng kasama niya si Pattinson noong araw na iyon dahil nasa ibang lugar siya that time. At matalik na kaibigan pa niya ang ex-girlfriend ng aktor na si Stewart dahil nagkasama sila sa isang pelikula titled The Runaways noong 2010.

“Riley isn’t dating Rob,” say ng representative ni Keough.

“And I can confirm that Riley was not photographed at all this weekend.”

Sa huling interview ni Pattison sa E! News ay sinabi nito na very open ito sa pakikipag-date and he is not seeing anybody at the moment.

“Rob is just enjoying hanging and chilling with friends at this point in his life,” sabi pa ng rep nito.

Pagkatapos ng four-year romance nito kay Stewart, nakita na naglilipat na ng kanyang mga gamit si Pattinson palabas ng bahay ng kanyang leading lady at ex-girlfriend.

Samantalang si Stewart ay huling nakita sa Chanel fashion show sa Paris Fashion Week. Iyon ang first public appearance niya after ng split-up niya with Pattinson.

 

vuukle comment

BEAUTY AND THE SWEET

CONCERT QUEEN

ELVIS PRESLEY

HAPPY ANNIVERSARY

JOHN LAPUS

KEOUGH

KING OF ROCK

PATTINSON

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with