Ser Chief bagong mukha ng debit card ng BDO
MANILA, Philippines - Ang minamahal ng lahat na si Richard Yap ang pinakabagong karagdagan sa lumalaking pamilya ng endorsers ng BDO Unibank, kabilang na ang mga sikat na heartthrobs na sina Piolo Pascual at Xian Lim. Kilala sa kanyang pagganap bilang Ser Chief sa Be Careful With My Heart, si Yap ang mukha ng debit card campaign ng bangko na tinaguriang The new way to pay. Makikita sa larawan si Yap na pormal na pinipirmahan ang kontrata sa BDO na kinakatawan ni (mula kaliwa) Mary Jean A. Ibuna, VP ng marketing communications group, at ni Emmanuel T. Narciso, SVP ng transaction banking group.
- Latest