^

Pang Movies

Kris at James pinag-ayos sa visitation rights: Araw ng dalaw kay Bimby gusto pang isikreto

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Marami ang natawa sa dialogue ni Kris Aquino sa mga reporter na naabutan niya kahapon sa Makati Regional Trial Court.

Nagsalita raw si Kris na excited na “sila” na magpa-presscon. “Sila,” meaning si James Yap at ang lawyer nito na si Atty. Lorna Kapunan.

Hindi na solo ni Kris ang spotlight dahil may katapat na siya sa katauhan ni Atty. Kapunan na generous din sa pagsasalita sa media. Kapag may sinabi si Kris tungkol sa kaso nila ni James, talagang sumasagot si Atty. Kapunan na darling of the press dahil wala siyang tinatanggihan na interbyu.             

Hindi ako naniniwala na hindi malalaman ng media ang araw na ipinagkaloob ng korte para mabisita ni James Yap sa anak nila ni Kris na si Bimby.

Hindi uso ang mga sikreto sa Pilipinas, lalo na kung mga sikat na personalidad ang sangkot sa isyu. One of these days, malalaman ng buong bayan ang araw ng pagdalaw ni James kay Bimby. ’Daaay, na-research nga ng mga reporter ang pangalan ng Ita­lian girlfriend ni James ‘no?!

DJ na anak ni FPJ hindi makilala sa bagong hitsura

Hindi ko nakilala si Ronian Poe nang makita ko ang kanyang picture. Tumaba kasi si Ronian at tadtad ng tattoo ang katawan.

Si Ronian ang half-brother ni Lovi Poe. Ang former actress na si Anna Marin ang nanay ni Ronian.

Artist din si Ronian, gaya ni Lovi, pero hindi niya sinubukan na pasukin ang showbiz. Kuntento na si Ronian sa pagiging mahusay na disc jockey at tattoo artist.

Daiana hindi umaalis sa tabi ng asawa

Hindi pa ready si Daiana Menezes na magsalita tungkol sa suicide attempt ng kanyang asawa, si ex-Congressman Benjo Benaldo.

Nagpasabi si Daiana sa Startalk na magsasalita siya sa wastong panahon. Ang sabi naman ng kanyang Brazilian mother na naririto sa Pilipinas, hindi umaalis si Daiana sa tabi ni Congressman Benjo.

Nakakapangilabot ang nangyari kay Congressman Benjo pero tila may positive result ito, lalo silang naging close ni Daiana at naintindihan nila ang isa’t isa.

Wala nang news tungkol sa Brazilian model-actress dahil huminto na ito sa pag-tweet at pag-post ng kung anik-anik sa social media. Totoong-totoo ang kasabihan na there’s peace in silence.

Showbiz personality pinagsasawaan na sa mga emote ng lumang kuwento ng buhay

Nabubuhay sa nakaraan ang isang kilalang personalidad sa showbiz. Wala siyang alam na ikuwento kundi ang mga karanasan niya sa showbiz, kahit halata na bored at hindi interesado sa life story niya ang kanyang mga kausap.

Paulit-ulit na lamang kasi ang mga emote at kuwento ng showbiz personality na hindi naman marunong magpasalamat sa mga tao na pumapatol sa kanyang mga drama.

Kung hindi niya babaguhin ang ugali, wala nang papansin sa kanya kapag umarya uli siya ng pagkukuwento tungkol sa kanyang mga karanasan sa movie industry.

vuukle comment

ANNA MARIN

BIMBY

CONGRESSMAN BENJO

DAIANA

JAMES YAP

RONIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with