^

Pang Movies

Ngayong senior citizen na Nora nangakong magbabago na at pagbubutihin na ang trabaho!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Tama ang sabi ni Arnell Ignacio, sa lahat daw ng nag-60 years old, mukhang bata ang nag-iisang Superstar Nora Aunor, na umapir sa stage ng Meralco Multinational Hall in her blue-sequined tops and shorts on her birthday last May 21. Napuno ng malalaking pictures niya ang kabuuan ng hall, simula noong nag-artista siya in 1968 till the present. Nag-start ang celebration with a prayer from one of her daughters, si Matet de Leon, na nagsisimula pa lamang mag-pray ay napaiyak na, hindi man daw sila tunay na mga anak ni Guy (except for her son Ian), itinuring daw silang parang mga kristal ni Nora na pinahalagahan, pinagsikapang maitaguyod simula sa kanilang pagkabata at hanggang ngayon, kaya hangad niya sa ina ay happiness at good health dahil mahal na mahal nila ito.

Binigyang-halaga rin ng TV5 ang loyal fans ni Nora dahil ginawa roon ang Grand Fans Day, more than half ng hall ay napuno ng mga fans na nagmamahal sa kanya, na hindi siya iniwanan, simula noon hanggang sa ngayon. Mga entertainment press na close kay Guy ang dumating. Naroon din si Kitchie Bene­dicto na sinariwa ang ilang mga magagandang story sa simula pa lamang ng pag-aartisa ng Superstar.

In-announce na rin nina direk Joel Lamangan and Executive Producer Joann Banaga ng TV5 ang muling pagtatambal nina Nora at Tirso Cruz III sa isang tele-sine, ang When I Fall In Love, na magtatampok din kina Nadine Samonte, Akihiro Blanco, Karel Marquez, at Marvin Agustin. Bago ang announcement, ipinakita pa ang magka-love team at ang kanilang manyika, si Maria Leonora Theresa, na ikinuwento ni Guy na mas marami pa raw damit at alahas sa kanya noong panahong iyon na bigay ng mga fans.

Nag-apir si Mr. Ray Espinosa na kasamang nagplano si Perci Intalan ng grand celebration. Si Mr. Espinosa rin ang kumuha noon kay Nora para maging contract star ng TV5 kaya tumatanaw ng utang na loob sa kanya si Nora. Nag-sorry din siya sa mga pagkukulang niya sa pagganap sa kanyang mga tungkulin sa network. Nag-promise rin si Guy na pagbubutihin na niya ang pagtatrabaho niya ngayon at never daw na lilipat siya ng network tulad nang nababalita. Muli, Happy birthday to the one and only Superstar!

Sam namimigay ng GC sa fans at bumoboto kada minuto para mananalong Sexiest Woman!

Nang makausap namin noon si Sam Pinto sa taping ng Indio, sinabi niyang hindi siya nakikialam sa botohan ng 100 Sexiest Women ng FHM dahil ipinamahala na niya ito sa kanyang mga fans, ang Sam Pinto Circle (SPC). Hindi rin daw totoo na magbibigay sila ng mga gifts sa mga fans na boboto sa kanya. 

Pero sa Facebook ng SPC, naroon kung paano iboboto si Sam at every week, ang nagpadala ng text votes ay makatatanggap ng gift packs, P2,500 worth of gift checks, American Idol Speakers at fan sign ni Sam. Ang pinakamaraming magpapadala ng text votes ay makatatanggap din ng jacket at surprise visit sa set ng taping ng show ni Sam. At si Sam, every minute raw ay bumuboto rin?

 

vuukle comment

AKIHIRO BLANCO

AMERICAN IDOL SPEAKERS

FANS

GRAND FANS DAY

JOEL LAMANGAN AND EXECUTIVE PRODUCER JOANN BANAGA

KAREL MARQUEZ

KITCHIE BENE

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with