^

Pang Movies

Carla siyam na buwang naburo sa drama

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“Talaga? Ready na sila?” Ito raw ang unang tanong ni Carla Abellana nang sabihin sa kanya ng manager niyang si Arnold Vegafria na isang adult drama series ang next project niya sa GMA 7, ang My Husband’s Lover.

“Worth the long wait naman ang bago kong primetime show (na makakasama ko si Dennis Trillo),” say ni Carla sa pocket interview sa kanya.  Original script ito ni Suzette Doctolero na ididirek ni Dominic Zapata. â€œHindi ko pa alam kung who will play my closet gay husband, pero si Dennis   ang gay lover na open and proud sa kanyang pagiging gay. Iba ang story kasi as Lally, may asawa ako at may dalawa kaming anak bago ko madi-discover na gay pala siya at may gay lover. Pero mahal ko siya, kahit lagi akong umiiyak at nasasaktan, ipaglalaban ko pa rin ang pagmamahal ko sa kanya para sa aming mga anak,” salaysay ni Carla tungkol sa kanyang gagampanang role.

Inamin ni Carla na medyo nainip din siya dahil nine months siyang walang soap after ng Makapiling Kang Muli nila ni Richard Gutierrez. Pero nag-guest naman siya sa Bubble Gang at iba pang shows ng GMA. Naging judge rin siya sa katatapos na Daragang Magayon sa Albay last month. Nagkaroon din siya ng time to spend with her family at two weeks din silang nagbakasyon ng boyfriend na si Geoff Eigenmann sa Los Angeles, California at na-meet niya ang mga lolo at lola nito, former actor Eddie Mesa ang actress Rosemarie Gil.

After election, magsisimula na silang mag-taping ng My Husband’s Lover na siyang papalit sa Love & Lies. Pilot telecast nila sa June 10.

Cong. Angara natawa lang sa ‘Full of sex appeal’ na dialogue ni Sen. Miriam

Kasamang humarap ni Cong. Sonny Angara sa entertainment press sa presscon na ibinigay sa kanya ni Mother Lily Monteverde ang amang si Senator Edgardo Angara at wife niyang si Tootsy. Siya na ang kandidato for Senator since his father is now serving his last term sa Senate. Nagpasalamat si Cong. Sonny sa vote of confidence na ibinigay sa kanya ni Mother Lily, bale siya ang 10th sa 13 senatorial candidates na ini-endorse nito. Nagpasalamat din siya sa presidential sister na si Kris Aquino na pinili siya para i-endorse dahil alam namang hindi lahat ng kandidato sa Team PNoy ay tutulungan nito. 

Tumawa na lamang si Cong. Sonny nang ta­nungin siya kung ano ang comment niya sa sinabi ni Sen. Miriam Santiago na he is young and idealistic, also full of sex appeal.

Since sa Sunday ay Mo­ther’s Day, nagkabiruan ang mga entertainment press na batiin ni Cong. Sonny si Tootsy na bago ang presscon ay nag-guest pa sa Kris TV. “Happy Mother’s Day Honey,” ang greetings ni Cong. Sonny pero hindi niya sinunod ang gusto na press na i-kiss niya ang asawa.

vuukle comment

ARNOLD VEGAFRIA

BUBBLE GANG

CARLA

CARLA ABELLANA

DARAGANG MAGAYON

DAY HONEY

MY HUSBAND

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with