^

Pang Movies

Hidwaan ng pamilya barretto malalim ang pinagmumulan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Jay-Jay pala ang palayaw ni Joaquin, ang defender ni Gretchen Barretto laban sa kanilang nanay, si Mrs. Inday Barretto na kakampi naman ni Claudine.

Personal na nakausap ni Jo-ann Mag­lipon ng PEP si Jay-Jay na nagkuwento tungkol sa mga problema ng pamil­ya kay Claudine.

Mukhang malalim ang pinag-uugatan ng hidwaan ng pamilya dahil naungkat ang pagiging breadwinner noon ni Gret­chen.

Kuya Germs iyak nang iyak sa selebrasyonng kanyang 50th anniversary

Congrats kay German Moreno da­hil nabalitaan ko na tagumpay ang kanyang anniversary show noong Miyerkules.

Pinupuri ang mga production num­ber at ang bonggang presentation.

Hindi na ako nagulat sa balita na humagulgol ng iyak si Kuya Germs dahil likas na mababa ang kanyang luha. Sino ba naman ang hindi maiiyak kapag nakita niya sa iisang lugar at okasyon ang mga tao na naging bahagi ng kanyang buhay?

Wala si Nora Aunor sa anniversary show ni Kuya Germs dahil may shooting daw.

In fairness kay Nora, hindi raw ito nag-commit na dadalo kaya hindi raw umasa si Kuya Germs na darating siya.

Star-studded ang anniversary show na handog ng GMA 7 kay Kuya Germs dahil sa presence ng halos lahat ng Kapuso stars.

Walang taping ang mga teleserye ng GMA 7 noong Miyerkules dahil ni-require ang mga artista na sumipot sa anniversary show na mapapanood bukas sa Kapuso Network sa ganap na 9:15 p.m.

Bihirang magpakita si Sharon Cuneta sa publiko mula nang mawala ang show niya sa TV5 noong December 2012 pero dahil sa pagmamahal kay Kuya Germs, umapir ang Megastar sa Newport Perfor­ming Arts Theater.

Tatay-tatayan ni Sharon si Kuya Germs. Malaki ang naitulong kay Sharon ng Master Showman noong nag-uumpisa pa lamang ang kanyang showbiz career. Naging co-host ni Kuya Germs si Sharon sa GMA Supershow, ang number one Sunday noontime show noong dekada ‘80. 

Starlet na uhaw sa publicity pakalat-kalat sa party ni Kuya Germs

Pakalat-kalat sa Newport Performing Arts Thea­ter noong Miyerkules ang starlet na nali-link sa isang aktor. Walang pumapansin sa starlet na uhaw sa publicity dahil nameless siya. Ni hindi alam ng mga tao na siya ang girl na natsitsismis sa playboy na aktor.

Pinanood ng starlet ang anniversary show ni Kuya Germs. Nairita sa kanya ang audience dahil tayo siya nang tayo mula sa kanyang kinauupuan bilang KSP nga siya.

                 

vuukle comment

ARTS THEATER

CLAUDINE

DAHIL

GERMAN MORENO

GERMS

KUYA

KUYA GERMS

MIYERKULES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with