^

Pang Movies

Barbie, umalma sa fake news!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Barbie, umalma sa fake news!
Barbie Imperial.
STAR/ File

Nagsalita na si Barbie Imperial sa mga naglalabasang fake news ngayon sa social media.

Sa kanyang Facebook page ay nagpahayag ng pagkadismaya ang aktres sa pages na puro negativity ang pino-post para kumita lang ng pera.

“Ang daming pages ngayon na puro negativity ang pinopost. Worse, puro kasinungali­ngan para lang umangat ang engagements at kumita ng pera gamit ang paninira,” pahayag ng aktres.

“Nagegets ko naman na kailangan kumita ng pera pero sana sa paraang hindi mag sisinungaling,” patuloy niya.

Pinag-ingat din ng aktres ang netizens sa pagko-comment and like sa mga post.

“Ingat sa pag comment and like, pinapayaman nyo po yang mga may ari ng pages na yan,” aniya.

“Nakakalungkot kasi paninira na ang strategy ng marketing ngayon, at ang daming naniniwala without fact checking,” pagtatapos ni Barbie.

Hindi malinaw kung ano ang mga paninirang ina­almahan ng aktres pero ang huling issue sa kanya ay ang pagsama niya sa Italy kay Richard Gutierrez at ang tsika ngang aalisin or aalis siya sa FPJ’s Batang Quiapo na nilinaw na ng ABS-CBN.

Sa statement na ini-release ng Kapamilya network ay nakasaad na nag-usap na raw sina Coco Martin at Barbie at patuloy na mapapanood ang aktres bilang Tisay sa BQ.

Rocco, super selfie sa Korean stars!

Kinaaliwan ng netizens ang mga larawang ipinost ni Rocco Nacino kasama ang iba’t ibang sikat na Korean stars kabilang na sina Song Joong-ki at Ji Chang-wook.

Kasalukuyan kasing nasa Busan International Film Festival si Rocco bilang representative ng pelikulang Motherland ni Brillante Mendoza which will compete in the Jiseok category of the festival.

Makikita sa Instagram page ni Rocco ang larawan nila ng bida ng Descendants of the Sun na si Song Joong-ki.

Matatandaang isa si Rocco sa cast ng Pinoy adaptation ng Descendants of the Sun kasama sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Proud na kwento ni Rocco, 5 minutes niyang nakatsikahan si Song Joong-ki. Ipinakita pa raw niya sa South Korean actor ang posters nila nina Jennylyn and Dingdong ng DOTSPH.

“Day 1 of ##BusanInternationalFilmFestival. Met Big Boss himself #SongJongKi and told him about #DOTSPH.

“Pinakita ko rin ang posters namin ni @dongdantes @mercadojenny @jascurtissmith at natuwa siya, which led to a long 5 minute chat about DOTS and the PH,” tsika ni Rocco.

“Invite ko daw siya sa pinas paano ko naman gagawin yun haha, ang nakakaaliw pang kwento ng aktor.

“I’d have to say, he is the most warm and accommodating actor of all the actors I talked with. Kind person. Deserve niya blessings niya,” papuri pa ni Rocco kay Song Joong Ki.

The following day ay nag-post ulit si Rocco ng iba pang South Korean stars na na-meet niya sa BIFF at isa nga rito ang sikat ding si Ji Chang-wook.

“Met some new friends. Naks close kami? Haha hope I get their names right, met Ji Chang Wook, Yoon Kyung Ho and Jung JinYoung before the red carpet walk,” sey ni Rocco.

Ang kaaliw pa niyang kwento, tinatanong daw siya ng South Korean stars sa barong na kanyang suot at kung paano raw ito ginagawa.

“They were all very kind and all started our conversation with a compliment for my @francislibiran8 Barong. Ano daw tawag sa suot ko at paano daw ginawa. Hehe Siyempre binida ko ang paggawa ng barong ng pinas,” aniya.

Isa pang na-meet pala niya ay si Park Bo-young na bida ng Strong Girl Do Bong Soon.

Siyempre, ang daming nainggit na netizens sa kanya at napa-sana all na lang sila.

vuukle comment

BARBIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with