^

Pang Movies

Alden, bet ng mga sexy star!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Alden, bet ng mga sexy star!
Robb
STAR/ File

Sa mga Kapuso actor, si Alden Richards ang pinili ng Vivamax stars na sina Robb Guinto at Azi Acosta na gusto nilang maka-date.

Sa episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sumalang sa segment na Pick and Talk! sina Robb at Azi, kung saan magpapakita ng pares ng larawan ng mga aktor at pipili sila ng isa. Sa unang set ng mga larawan, sina Miguel Tanfelix at Kelvin Miranda ang ipinakita. Unang pinapili si Azi, at pinili niya si Miguel.

Ayon kay Azi, bata pa lang ay nakikita na niya sa TV si Miguel sinabi niyang, “Pangarap ko ‘to!”

Pinili rin ni Robb si Miguel na tinawag niyang “sobrang pogi.”

Sa sumunod na set ng larawan, sina David Licauco at Derek Monasterio naman ang ipinakita.

Kapwa pinili nina Robb at Azi si David, na inilarawan nilang “baby face” at mukhang “mas mabango.”

Sina Alden Richards at Ruru Madrid naman ang ipinakita sa ikatlo at huling set ng larawan ng mga aktor.

Muli, magkapareho ang pinili nila na si Alden, na parehong nag-pabebe wave nang tanungin kung bakit si Alden ang kanilang pinili.

Bago matapos ang segment, tinanong sila ni Tito Boy Abunda na kung sakaling may mag-imbita sa kanila ng date mula sa anim na Kapuso actor, sino ang gusto nilang maka-date?

Parehong pinili nila si Alden.

Nang tanungin kung bakit si Alden, sinabi ni Robb na marami siyang nais na itanong sa aktor at gustong niyang makahingi ng advice pagdating sa acting.

Salarin... ni Bitoy, 22 milyong views na

Ibinahagi ng Kapuso comedy genius na si Michael V. ang naging inspirasyon niya para sa kanyang awitin na Salarin, Salarin, na parody ng kantang Salamin, Salamin ng BINI.

Umabot na sa 22 milyong accumulated views sa social media ng Salarin, Salarin na unang nasilayan sa Bubble Gang noong Sept. 29.

Ayon kay Michael V. na kilala rin bilang si Bitoy, ang murder mystery series na Widows’ War ang naging inspirasyon niya sa paggawa ng Salarin, Salarin. “Na-inspire ako nung Widows’ War kasi marami nang lumalabas na mga murder mystery na mga soap ang GMA. This is probably the first and only murder mystery music video na gagawin ng BINI-b10,” pagbahagi niya.

Kasama ni Michael V. sa kanyang grupo na tinawag na BINI-b10, sina Kokoy De Santos, Matt Lozano, Buboy, at Betong.

vuukle comment

ROBB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with