^

Pang Movies

Mga show ni Kris hindi puwedeng layasan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Nag-release na ng official statement si Mr. Bong Osorio, head ng Integrated Corporate Communications ng ABS-CBN hinggil sa biglaang resignation announcement ni Kris Aquino last Thursday night.

Ayon sa executive, binibigyan muna nila ng pa­na­hon si Kris para makapagbakasyon ngayong Holy Week kasama ang dalawang anak at pagbalik nito ay saka sila mag-uusap.

Narito ang kabuuan ng official statement:

“Ms. Kris Aquino and her kids are going on an earlier plan­ned vacation starting today, March 23. Upon her return, Kris will fulfill her com­mitments to her soap Ka­i­langan Ko’y Ikaw which is nearing its end.

“She will also have to stay as a judge in Pilipinas Got Talent till its end on June. Being a foreign franchise, there are commitments we have to fulfill and rules we need to abide by.

“Kris TV had taped advanced episodes in anticipation of her long planned vacation with her sons.

“Ms. Kris Aquino and ABS-CBN management are also scheduled to meet upon her return to Manila. Meanwhile, we wish Kris and her sons a peaceful and restful vacation. We respect her need for privacy at this difficult time.”

Samantala, kahapon ng 5:00 p.m. lumipad ang Queen of All Media patungong Paris, France kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby.

Kung matutuloy ang original plan, plano niyang ipasyal ang mga bata sa Disneyland Paris at magsim­ba sa Lourdes. Balak din niyang ipanood ang mga bagets ng musicals na Wicked, Singin’ in the Rain, and Thriller Live. Last stop nila ang Rome, Italy para bisitahin ang Vatican City at iba pang churches doon.

’Yan ay ayon sa tweet ni Kris two weeks ago noong wala pang problema. Sa ngayon kasi ay walang bagong update ang actress/TV host sa kanyang Twitter account at last tweet niya pa ay noong March 19.

Knowing Kris, kung wala siyang pinagdada­da­anan, panay na sana ang tweet niya ngayon ng kanyang whereabouts with matching picture. Enjoy na enjoy siya noon pa na ipinapasyal ang kanyang mga anak sa iba’t ibang bansa dahil ito talaga ang pambawi niya sa mga bata sa busy sched niya ’pag nandito sa Pilipinas.

Camille Villar dalawang linggong bakasyon sa ‘Pinas

Nasa Pilipinas ngayon ang TV host at unica hija nina Sen. Manny at Mrs. Hanep Buhay Cynthia Villar na si Camille para makapiling ang pamilya ngayong Semana Santa.

Dalawang linggo lang mananatili sa bansa ang bunsong anak ng mga Villar dahil agad din itong babalik sa Spain para sa kanyang masteral degree (business administration) sa isang sikat na unibersidad doon.

“Super excited ako kasi bagong pinto na naman ito ng opportunity na nag-open para sa akin. Ako naman ay thankful sa lahat ng mga oportunidad na dumarating sa buhay ko,” sabi ni Camille.

Ayon naman sa mag-asawang Villar, susulitin nila ang ilang araw na bakasyon ni Camille sa ’Pinas.

Very proud naman si Cong. Cynthia sa bunsong anak dahil sa pagsisikap nito na makapagtapos ng masters. Mismong ang ama pa nitong si Sen. Manny ang naghatid kay Camille sa Spain.

 

vuukle comment

AYON

CAMILLE

CAMILLE VILLAR

DISNEYLAND PARIS

HOLY WEEK

INTEGRATED CORPORATE COMMUNICATIONS

KRIS

MS. KRIS AQUINO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with