^

Pang Movies

Matapos makadalawang dekada sa GMA 7 Mel Tiangco hindi pa limot ang dinanas sa ABS-CBN

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ma at pa! Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy na tao ni Mama Mel Tiangco sa interview sa kanya na lumabas sa Startalk noong Sabado dahil hindi naman siya nagbanggit ng pangalan.

Dalawang dekada na si Mama Mel bilang Kapuso at noong isang araw, nagsalita siya tungkol sa kaso na isinampa sa kanya ng dating TV network na kinabibilangan niya.

Nanalo si Mama Mel sa kaso kaya tinanong ng mga reporter ang pakiramdam niya sa nangyari. Naging honest si Mama Mel nang sabihin nito na ang feeling niya noon parang ipis siya na tinapak-tapakan. Hindi nagpatalo si Mama Mel sa pinakamatinding pagsubok na dumaan sa kanyang bu­hay dahil naging matatag siya. Hindi nawala ang kanyang kontrol sa sarili. Nang hingan ng message tungkol sa umapi sa kanya, ito ang sinabi ng respected broadcast journalist:

“Sir, sana po ay nakakatulog kayo nang mahimbing. Ang buhay po ng tao ay hindi materyal ang mahalaga. Sa buhay ng tao, mahalaga ‘yung lilingon ka at marami ang magsasabi sa ‘yo na napakabuti mong tao. Sana po duma­ting ang panahon, sa inyo mangyari ‘yan. Napatawad ko na sila kahit hindi sila nagso-sorry. Eh bakit hindi ko naman patatawarin eh ang ganda-ganda ng aking buhay dito sa GMA? Napakabait nila sa akin. Napakarami kong fulfillment here at GMA.”

BB imbiyerna sa nameless model

Imbiyerna si BB Gandanghari sa isang male model na kasali sana sa kanyang stageplay pero nag-back out.

Ang tsismis, ayaw ng nameless model na lumalabas sila ni BB. Hindi niya type ang mga bonding moment dahil trabaho lang ang kanyang gusto kaya nag-join siya sa stageplay.

Ang sabi ng isang eyewitness, iritable si BB sa ina­­sal ng nameless model. May litanya raw sana ang gay actor laban sa male model pero pinigilan niya ang sarili. Aanhin niya ang nag-back out na male mo­del eh very cooperative ang dalawang leading men niya sa stageplay?

Aktres na pa-sweet ang image malandi sa tunay na buhay, dinig na dinig ng direktor sa lapel mic ang pag-iinit sa kasamahang aktor                                                 

Alam ko na ang katauhan ng aktor at aktres na nabu­king ang nakaraan dahil sa lapel microphone sa kanilang katawan.

Nangyari ang insidente sa taping ng isang TV show. Nakalimot ang dalawa na naka-on ang kanilang lapel microphones kaya narinig ng direktor ang kanilang pag-uusap.

Napadikit kasi ang harap ng aktor sa behind ng aktres kaya bigla itong nag-dialogue ng “Nag-iinit ka na naman!”

Nakunan ang eksena at paulit-ulit ito na pinaking­gan ng direktor dahil inakala nito na nagkamali siya ng dinig pero klarung-klaro ang sinabi ng aktres. Lumitaw ang katotohanan na may nakaraan ang aktor at aktres, kahit todo deny sila. Pa-sweet ang image ng aktres na malandi pala sa tunay na buhay.

Bagong show nina Alden at Louise handa na

Mundo Mo’y Akin ang title ng bagong drama series ng GMA 7 na pagtatambalan ng love team nina Alden Richards at Louise delos Reyes.

Hindi nagkaroon ng second thoughts ang mga bossing ng GMA 7 na bigyan ng bagong TV show ang dalawa dahil malakas ang hatak sa fans ng kanilang love team at pinatunayan nila ito sa One True Love.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

MAMA MEL

MAMA MEL TIANGCO

MUNDO MO

NIYA

ONE TRUE LOVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with