^

Pang Movies

Vin Diesel at Paul Walker inaabangan na sa ‘Pinas

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Abalang-abala ngayon ang Solar Entertainment Corporation at Solar-United International Picture para sa gagawing promosyon ng Fast & Furious 6 na inihahanda ngayong Abril.

Tampok ang mga artistang sina Vin Diesel, Paul Walker, at iba pa. Ito ang 6th installment ng Fast & Furious franchise. Mula sa pagdating ni Vin Diesel sa airport hanggang TV interviews at presscon ay gagawin para sa aktor ngayong Abril.

Tiyak na matutuwa ang maraming fans ng hunk na action star na hinihintay na ang pagda­ting sa bansa.

Boy Abunda bilib sa mega c vitamins

Hindi basta-basta nag-eendorso ng gamot si Boy Abunda. Katuwiran ng TV host, milyun-milyon man ang ibayad sa kanya kung hindi siya bilib sa iniendorsong produkto ay ’di niya tatanggapin. Malaki rin ang tiwala ni Boy kay Tita Mega C na siyang nasa likod ng pinagkakatiwalaang Mega C vitamins.

Ito’y lunas sa anumang klase ng sakit mula sa catarata hanggang sa pagkakaroon ng healthy cardiovascular system.

Hindi na bago sa showbiz si Tita Mega C o si Yvonne Rebecca Benavidez dahil halos kilala siya ng mga taga-showbiz at kaibigan din ni Maricel Soriano.

Movie writer, composer na

Natutuwa naman kami kapag ang isang ka­patid sa hanapbuhay gaya ni Charlene Lozo ay umaasenso sa buhay. Kabilang ang mga sinulat niyang kanta sa album na The Greatest Hits of George Guevarra — ang awiting Kung Kailan Wala Ka Na, Sigaw ng Puso, at Ikaw Pa Rin.

Ini-release na rin ng Aquarius Records ang mga hit song na inawit ni Evelyn, the Blind Songstress, kasama ang album ng Blind Balladeer na si George Guevarra.

Mabibili ang album ng dalawa sa SM Record bars nationwide — Odyssey, Astroplus, Astro Vision, at National Bookstore.

Nagbabalik-recording din ang classic hits under Aquarius pa rin ni Renzo Dominguez, o kilala bilang si Efren Montes.

vuukle comment

ABRIL

AQUARIUS RECORDS

ASTRO VISION

BLIND BALLADEER

BLIND SONGSTRESS

BOY ABUNDA

CHARLENE LOZO

TITA MEGA C

VIN DIESEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with