^

Pang Movies

Kuya Kim sisilipin ang mga dekorasyon ng Kapamilya Stars

Pang-masa

MANILA, Philippines - Susugod si Kuya Kim Atienza sa mismong bahay ng inyong paboritong Kapamilya stars at aalamin kung paano nga ba ang Pasko sa loob ng kanilang tahanan ngayong Linggo (Dec. 15) sa Matanglawin.

Ipapakita ni Erik Santos ang Santa Claus na nagsisilbing bantay sa kanyang pula, silver, at puting kulay na Christmas tree katabi ang Christmas village na mismong ang Prince of Pop ang nag-ayos.

Itinayo naman ni ex-PBB Teen Edition housemate na si Ryan Boyce ang kanyang Christmas tree sa bahay para lang kay Kuya Kim. Habang ang mag-amang Lito at Carl Camo at youth idol na si Robi Domingo ay ipapamalas kung paano nadadama ang diwa ng Pasko sa kanilang tahanan gamit ang iba’t ibang dekorasyon.

Bukod pa riyan, mag-iikot din si Kuya Kim sa Maynila para maghanap ng kakaibang mga dekorasyon sa Pasko tulad ng Christmas castle sa Marikina kung saan ginamitan ito ng mahigit 100,000 na ilaw.

Huwag palalampasin ang Matanglawin ngayong Linggo, 9:15 a.m. sa ABS-CBN.

 

 

vuukle comment

CARL CAMO

ERIK SANTOS

KUYA KIM

KUYA KIM ATIENZA

LINGGO

MATANGLAWIN

PASKO

PRINCE OF POP

ROBI DOMINGO

RYAN BOYCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with