Police trainee, ni-rape ng Master Sergeant!
MAY pulis na namang sisibakin si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr.
Anong kaso? Rape lang po naman. Itong t’yak na masisibak ay may ranggong Master Sergeant at naka-assign sa Cordillera Administrative Training Center sa Teacher’s Camp, Baguio City. Tsk tsk tsk! Sobrang laki na ng suweldo nitong pulis na ‘to subalit nakuha pang isugal ang future n’ya, pati na ang kanyang pamilya. Purbidang yawaahhhhh! At ang biktima ng hinayupak na M/Sgt.? Isang 23-anyos na police trainee. Dipugaaaaa! Hindi na dapat magdalawang-isip si Gen. Nartatez na kalusin itong suspect dahil hindi s’ya karapat-dapat manatili pa sa PNP. Mismooooo!
Sinabi sa report na ni-rape ni M/Sgt. ang police trainee noong Enero 20, 2026 at naulit pa nitong Pebrero 8. Ini-report lang ang insidente noong Abril 11, ayon kay Lt. Anthony Todyog. Ang 41-anyos na suspect, ay taga-Bgy. Nagsimbaanan, Bacnotan, La Union at naka-assign sa CARTC, sa Teachers’ Camp, Baguio City.
Sinabi ni S/Sgt. Jennifer Peligman, officer-on-case na ang suspect ay naitapon na sa PNP Training Institute sa Calamba, Laguna. Kasalukuyang nagsasagawa pa sila ng case build-up laban sa suspect bago sampahan ng kaukulang kaso, ani Peligman. Ano ba ‘yan?
Dapat abutin ng latigo ni Nartatez itong si M/Sgt. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Sinabi ni Peligman na ang biktima, na taga-Bulacan, ay pumasok sa CARTC, kasama ang ibang recruit ng NCRPO, noong December 21, 2025. Ipasailalim sila sa 6 months training. Kaya lang bandang 2 a.m. noong Enero 20, 2026, ginising ng mga duty guards ang natutulog na biktima at inutusang mag-report sa barracks ng suspect. Siyempre, dahil trainee, tumalima ang biktima. Kaya lang sa kasamaang palad, habang nasa loob na s’ya ng barracks, hinalikan s’ya ng suspect sa leeg sabay tanggal ng kanyang lower garments at pinagsamantalahan s’ya. Sanamagan! May pagkahayok sa laman si Sarhento ah! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Naulit pa ang insidente nitong Abril 8 bandang ala-una ng hapon ng tawagin uli ang biktima ng duty guards at inutusang mag-report uli sa barracks ng suspect dahil sa isang assignment. Dahil may kasamang buddy ang biktima, ipinahiram ng suspect ang kanyang celfone sa una upang magsagawa ng family call. Habang nasa labas ng barracks ang buddy ng biktima, ni-rape uli s’ya. Dipugaaaaa! Ayon kay S/Sgt. Peligman, nasa maayos na kalagayan na ang biktima. Tuloy lang ang training. Ayosssss!
Makakatulog pa kaya ng mahimbing ang suspect sa ginawa n’yang ito? Abangan!
- Latest

















