15 katotohanan tungkol sa inggit
1. Ang inggit ay isang sining ng pagbibilang ng biyayang tinatanggap ng iba, kaya hindi napapansin ang biyayang natatanggap niya.
2. Huwag mainggit sa mga taong nakakaranas ng magandang kapalaran, malay mo, kung anong klaseng pagdurusa ang naranasan niya noong panahong bigong-bigo siya.
3. Ang mga taong inggitera ay laging nakaabang sa pagkakamali ng iba ay walang oras para maitama niya ang sariling kamalian.
4. Ang inggit ay nanggagaling sa mga taong walang bilib sa sarili nilang kakayahan.
5. Nakakabulag ang inggit kaya hindi sila nakakapag-isip nang maliwanag.
6. Anong pait ang nadarama ng inggiterang laging nakasilip sa tagumpay ng iba.
7. Matatagpuan ang kaligayahan kung ititigil mo ang pagkukumpara ng iyong sarili sa ibang tao.
8. Huwag mag-alala sa taong inggitera na ayaw sa iyo, malamang, inaayawan din nila ang sarili nila.
9. Ang isang sikreto ng tunay na kaligayahan ay kawalan ng inggit sa katawan.
10. Bihira lang ang mga taong tunay na nagdiriwang sa tagumpay ng iba.
11. Ang pag-ibig ay tumitingin gamit ang telescope; samantalang ang inggit ay gumagamit ng microscope.
12. Ang inggit ay ulcer sa kaluluwa.
13. Habang binubutas ng inggit ang iyong kaluluwa, lalo namang kumikinang ang pagkatao ng iyong kinaiinggitan.
14. Kung ang inggit ay virus, mas deadly pa ito sa COVID-19.
15. Ang inggit ay maihahalintulad sa pagbaril sa target, ngunit ikaw mismo ang natamaan at namatay.
“Some people are going to reject because you shine too bright for them. That’s okey, they don’t pay your light bill. Keep shining.” – Unknown
- Latest