^

Punto Mo

Focused crimes, bumaba ng 25.47 percent sa PRO6!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Bumaba ng 25.47 porsiyento ang focused crimes sa Western Visayas sa liderato ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño. Batay sa comparative crime data mula Mayo 22 hanggang Hulyo 22 nitong taon, nagtala ang PRO6 ng focus crimes na 237 kumpara sa 318 noong kaparehas na period sa 2025, o bumaba ng 81 na kaso. Dipugaaaaa! Binigyan kahalagahan ni Tuaño ang tagumpay sa pakikibaka sa krimen sa pinaigting na crime prevention, intelligence-driven law enforcement operations, mas malawak na police visibility at mas matatag na pakiki-ugnayan sa mga LGUs at komunidad. Sal-it!

“Ang resulta pong ito ay bunga ng dedikasyon at sama-samang pagsisikap ng ating mga kapulisan sa buong Western Visayas,” ani Tuaño. “Mula sa ating mga nagpapatrulya, mga imbestigador, intelligence operatives, at iba pang yunit na walang sawang nagtatrabaho araw at gabi, makikita ang kanilang sipag sa patuloy na pagbaba ng krimen,” ang giit n’ya. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ang nagtala ng pinakamalaking ibinaba na krimen ay ang motorcycle carnapping, mula 14 tungo sa anim na insidente, o bumaba ng 57.14 porsiyento. Sinundan ito ng rape, na bumaba ng 52 porsiyento, mula 75 tungo sa 36 na kaso. Bumaba rin ang theft ng 23.36 porsiyento, mula 107 tungo sa 82 kaso; physical injury ng 20 porsiyento, mula 65 tungo sa 52 insidente; murder ng 17.39 porsiyento, mula 23 tungo sa 19 na kaso; at robbery ng 12 porsiyento, mula 25 tungo sa 22 kaso. Ayon sa PRO6, ang pagbaba ng bilang ng mga krimen ay resulta ng tuluy-tuloy na pagsisikap ng mga yunit ng pulisya sa rehiyon.

Bagama’t positibo ang mga datos na ito, iniutos ni Tuaño ang patuloy na mahigpit na pag-monitor ng mga crime trend, lalo na sa mga lugar kung saan may naitalang pagtaas ng insidente. Aniya, dapat higit pang palakasin ang mga hakbang sa crime prevention at operational response sa buong rehiyon. Purbidang yawaahhhhh! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Binabati ko ang bawat isa sa ating kapulisan, ngunit hindi ito dahilan upang maging kampante tayo,” ang giit ni Tuaño. “Ang bawat krimeng napipigilan at bawat kasong nalulutas ay nangangahulugan ng mas ligtas na komunidad para sa ating mga kababayan,” ang dagdag pa ni PRO6 director. Pinasalamatan din ni Tuaño ang mahalagang ambag o malaking papel ng mga lokal na punong ehekutibo, mga opisyal ng barangay, force multipliers, community partners, at ng publiko sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. “ Ang kaligtasan ng ating komunidad ay pananagutan nating lahat, at sa ating pagkakaisa, lalo pa nating mapananatiling ligtas ang Western Visayas,” ani Tuaño. Abangan!

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with