Ang narcissist kapag nabuko
November 24, 2024 | 12:00am
- Nagagalit o nagta-tantrum.
- Kung dating kaibigan ang nagrereklamo laban sa kanya, hindi na niya ito babatiin at ituturing nang kaaway.
- May ginagawang drama para kaawaan.
- Tigas sa pagtanggi kahit maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga pruweba ng kanyang mga kasalanan.
- Ipinagpapatuloy pa rin ang pagsisinungaling at pangga-gaslight sa mga nagrereklamo laban sa kanya.
- Ibabalik niya ang nakaraang pangyayari tungkol sa kanya at sa taong nagrereklamo kung saan iha-highlight niya ang “kapalpakan” ng mga ito. Pagmumukhaing siya pala ang inaapi ng mga kalaban niya.
- Mag-iimbento siya ng mga paninira tungkol sa kanyang mga kalaban sa pamamagitan ng pagbaluktot ng mga kuwento.
- Babaliktarin niya at sisisihin ang kanyang mga kalaban. Pagmumukhaing mga kalaban niya ang may kasalan at hindi siya.
- Bakit kapag nabisto na ang kasalanan ng narcissist ay lalo pa siyang umaalma at dinadagdagan ang mga kasinungalingan?
- Humahabi siya ng sariling “reality” kung saan siya lamang ang mabuti.
- Ayaw niyang aminin ang kanyang kasalanan upang mapreserba niya ang kanyang sense of superiority.
- “One common tactic narcissists use when confronted is DARVO—Deny, Attack, Reverse Victim and Offender. First, they deny the lie, then attack you for challenging them, and finally paint themselves as the victim, making you seem like the offender.”
BrandSpace Articles
<
>
Philstar
- Latest
Latest
Latest
Recommended