^

Punto Mo

Mayang (39)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ANO itong ginagawa ni Puri? Tanong ni Jeff sa sarili.

Pagkatapos ipatong ang palad sa “papaya” ay ang siper naman ng pantalon niya ang pinagkakaabalahan. Nagiging wild na si Puri!

Ang pagkakilala niya kay Puri, batay sa pagkukuwento sa kanya ni Mayang ay mahinhin itong babae. Hindi naman niya na-meet sa Dubai si Puri. Nalaman lamang niya ang tungkol dito mula kay Mayang. Ayon kay Mayang, matagal na silang magkaibigan ni Puri. Parang magkaklase sa kolehiyo ang dalawa. At sabay din silang nagtungo sa Dubai.

Ang sabi ni Mayang sa kanya noon, mabait na kaibigan si Puri. Lagi raw ipinagtatapat ni Mayang ang mga problema kay Puri.

Pero sa ginagawa sa kanya ni Puri ngayon, mahirap paniwalaan na matalik itong kaibigan ni Mayang.

Meron bang kaibigan na “inaahas” ang nobyo ng kaibigan?

Meron bang matalik na kaibigan na sa halip ­tulungan na hanapin si Mayang ay para pang sinisiraan ito?

Sa totoo lang, mahirap paniwalaan na may asawa na si Mayang batay sa pagkukuwento ni Puri. Hindi ganun kadaling mawala sa isipan ni Mayang ang kanilang nakaraan.

“Ginawa ba ito sa’yo ni Mayang, Jeff?” sabi ni Puri makaraang buksan ang siper ng pants.

Hindi sumagot si Jeff.

“Sino sa aming dalawa ni Mayang, Jeff?’’

“Walang makakatulad si Mayang! Nag-iisa siya!’’

“Baliw ka Jeff!”

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with