^

Punto Mo

Lola na dating playboy model, nakatanggap ng Guinness World Records dahil sa kakayahan na mag-planking

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 80-anyos na former Playboy Magazine model ang nakapagtala ng world record dahil sa kabila ng kanyang edad ay kaya pa nitong mag-abdominal planking!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Annie Judis ang pinakabagong world record holder ng titulong “Oldest Person to Perform an Abdominal Plank (female)” dahil sa edad niyang 80 ay nakaya pa niyang mag-ehersisyo sa planking posisyon.

Maraming humanga na sa edad ni Judis ay kinakaya pa niya ang ganitong klase ng workout pero noong kabataan pa lamang niya ay marami na siyang tagahanga.

Gamit ang screen name na “Jeannie Bell”, suki na ang kanyang angking kagandahan sa mga beauty pageant at mga magazines tulad ng Playboy kung saan siya ay naging cover girl noong October 1969. Bukod dito, naging aktres din siya sa pelikulang Mean Streets ni Martin Scorsese.

Sa kasalukuyan, nagsusulat siya ng Children’s Book tungkol sa paggamit ng skipping rope bilang magandang ehersisyo.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with