^

Punto Mo

Maid of Honor (186)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MABAIT si Ram,’’ sabi ni Ate Bianca makaraang maalis si Ram.

“Walang yabang sa katawan hindi katulad ng mga kabataan na nakikita ko. At napakabait na anak. Bihira na ang mga anak na mapagmahal sa magulang. Meron akong alam na kapag matanda na ang magulang ay gustong dalhin sa ampunan. Ayaw nang alagaan ang ama at inang matanda. Mga walang utang na loob!’’

“Tama ang sinabi mo Ate. Marami ngang anak na pinababayaan ang matatandang magulang. Kaya nga hanga ako kay Ram dahil mahal na mahal niya ang kanyang mama.’’

“Ang lalaki raw na mahal ang kanilang ina ay magiging mabuting asawa. Kaya kung ako ikaw, Yana, sasagutin ko agad si Ram.’’

Nagtawa nang mahina si Yana.

“Ate naman, ni hindi pa nga nagtatapat ang lalaking iyon e sagot na agad.”

“Aba malay mo, baka sa isang araw ay magtapat e di nakahanda ka na.’’

“Magtatapos muna kami, Ate. Gusto ko bago pumasok sa ­relasyon ay tapos na sa pag-aaral at mayroong maayos na trabaho.’’

“Yan ang tama! Nasabi ko lang naman na sagutin mo si Ram dahil talagang nababaitan ako sa kanya.’’

“Mabait po talaga siya, Ate.’’

Iniba ni Bianca ang usapan,

“Teka nga pala, di ba nabanggit ni Ram na gusto niyang dalhin sa probinsiya ang kanyang mama para makasagap ng sariwang ­hangin. Nabanggit na gusto raw sa beach. Bakit di mo dalhin sa beach ni Inah. Maganda na tiyak dun.’’

“Yun nga ang balak ko Ate.’’

“Tawagan mo si Inah. Sabihin mo, may guwapo at mabait na binata na gustong magrenta sa beach.’’

“Tatawagan ko si Inah, Ate. Sasabihin ko sa kanya.’’

SAMANTALA, wala nang mahihiling pa si Inah. Maunlad na ang beach resort niya. Dagsa ang mga turista.

Sa isip ni Inah, kuntento na siya sa buhay. Napagsilbihan na rin niya ang itay at inay niya. (Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with