^

Punto Mo

Maid of Honor (184)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SIYANGA pala, Ram, kumusta na ang mommy mo?’’ tanong ni Yana.

“Okey na siya Yana. Nagpapasalamat ako sa Diyos at mabilis ang kanyang pagrekober. Akala ko nga matatagalan pa siya sa ospital. Talagang nag-worry ako sa kalagayan niya.’’

“Sino ang nagbabantay sa kanya ngayon?’’

“Nag-hire kami ng caregiver. Ako ang nag-suggest kay Mommy. Nung una ayaw pa ni Mommy dahil kaya naman daw niya. Pero hindi ako pumayag. Marami naman siyang kayamanan kaya dapat dun niya gastusin. Sabi ko kay Mommy, kapag nakatapos na ako ng nursing aide ay ako na ang mag-aalaga sa kanya.’’

“Kaya pala talagang pinagsikapan mong nursing aide ang kunin. May plano ka para sa iyong mommy.’’

“Oo, Yana. Paglilingkuran ko si Mama. Marami siyang ginawang­ pagsasakripisyo sa akin. Iginapang akong mag-isa. Kahit singkong duling ay hindi siya humingi kay Daddy. Nagtrabaho si Mommy para itaguyod ako.’’

“Napakabuti mong anak, Ram.’’

“Salamat Yana.’’

Maya-maya may naalala si Ram.

“Siyanga pala, Yana, gusto ko maipasyal sa probinsiya n’yo ang mama ko. Gusto ko ay sa isang beach resort. Ipapasyal ko siya sa dalampasigan kapag pumuputok na ang araw sa umaga.”

“Oo ako ang bahala, Ram.  Sabihin mo lang kung kailan.’’

“Sa summer. Tamang-tama tapos na tayo sa course natin.’’

“Sige, Ram.’’

Maya-maya tinawag na sila ni Ate Bianca para kumain.

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with