^

Punto Mo

Lalaki na tinawid ang buong Ireland sakay ng unicycle, nakatanggap ng Guinness record

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki ang nakapagtala ng world record matapos niyang matawid ang buong Ireland sakay lamang ng unicycle o bisikletang isa ang gulong!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Eamonn Keaveney ang pinakabagong world record holder ng titulong “Fastest Crossing of Ireland by Unicycle”.

Ito ay matapos niyang matawid ang kahabaan ng Ireland sa loob ng 5 araw, 5 oras at 23 minuto sakay ng unicycle. Upang ma-achieve ang world record, nagbibisikleta si Keaveney ng 12 oras sa isang araw.

Hindi ito ang unang Guinness title ni Keaveney. Una siyang nakilala sa pagkakaroon ng world record kung saan kinaya niyang maglakad ng 2,000 kilometro sa buong Ireland habang nakayapak.

Nagawa na rin niyang mag-hiking sa 10 bundok nang walang suot na kahit anong proteksiyon sa paa.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with