^

Punto Mo

Korapsiyon ang ugat ng illegal POGOs

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NANINIWALA ako na korapsiyon ang pinagmulan nang lahat kaya namayagpag ang illegal POGOs. Sa una, wala namang illegal na POGOs dahil iilan lamang ang binigyan ng Pagcor ng lisensiya para makapag-operate. Taon 2016 nang payagan ang POGO sa bansa at inaprubahan ito ng Senado. Maraming senador ang pumabor na mag-operate ang POGO sa bansa. Maski ang ilang senador na hayagang bumabatikos ngayon at sumisigaw na palayasin na ang POGOs ay bumoto noon para mag-operate ang online gaming. Malaki ang ipapasok na pera sa bansa ng POGOs dahil sa ibabayad na tax. Wala namang nag-akala na ang mga legal na POGO ay mapapasukan ng mga illegal na ngayon ay naghahatid ng problema sa bansa.

Kung walang mga korap na opisyal at empleyado sa Bureau of Immigration (BI), hindi sana darami ang illegal POGOs. Nakakita ng pagkakataon ang mga sindikato sa China kaya dumagsa sila sa Pilipinas. Sinuhulan ang mga korap sa BI. Tinawag ni Senator Risa Hontiveros na “pastillas scam”. Malaki ang suhol sa mga korap para makapasok nang walang kahirap-hirap sa bansa.

Dumami ang mga Chinese. Sa isang iglap, dumami ang illegal POGOs. Hindi lamang sa online gaming sila tumutok kundi pati sa online money scam, crypto scam, love scam at kung anu-ano pang illegal na gawain. Pinasok na rin ang prostitution. Ginawang “one-stop-shop” ang POGO hubs. Ngayon, nakapagtayo sila nang maraming gusali sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ilan dito ang sinalakay na POGO hubs sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga. Sa Bamban, 36 buildings ang ginagamit ng POGO samantalang sa Porac ay 46 buildings. Ang mga ito ay naitayo nang walang kahirap-hirap na nakalusot sa mayor ng dalawang bayan. Hindi malaman kung nagbayad ng tax sa pagpapagawa ng mga gusali.

Korapsiyon ang ugat ng illegal POGOs. Nagsanga-sanga ang korapsiyon na pati sa mga bayan at barangay ay naging talamak na. Lahat ay nakikinabang kaya marami ang bulag, pipi, at bingi sa pamayagpag ng POGOs.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with