^

Punto Mo

May naunang pumasok na droga sa Pinas bago ang Alitagtag!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAY naunang shipments na saku-sakong droga na nakalusot sa mga awtoridad maliban dun sa naharang na P9 bilyon na shabu na nakumpiska sa checkpoint sa Alitagtag, Batangas noong Abril 15. Tsk tsk tsk!

Kaya pala, kahit walang puknat ang panghuhuli ng ating kapulisan ay marami pa ring shabu ang nagkalat sa kalye. Ibinulgar ito ni Ajalon Michael Zarate, 47, sabay sabing ang nasa likod ng mga shipment ng droga sa Pinas ay foreigners. Ang lider nga ay si Thomas Gordon O’quinn, na gumagamit din ng pangalang James Toby Martin na naaresto sa spa sa Tagaytay City, noong May 16. Si O’quinn ay maraming alyas subalit tinatawag siya ni Zarate na JM. Eh di wow! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Si JM, na Canadian national,  ay inaresto base sa red notice ng Interpol patungkol sa kanyang pagkasangkot sa droga. Ang miyembro naman ng kanyang sindikato, ayon kay Zarate ay British, Chinese/Singaporean at taga-Poland. Matapos maaresto si O’Quinn o JM, wala nang balita sa follow-up operations ng awtoridad laban sa foreigners, maliban sa sinunog na ang 1.4 toneladang droga kamakailan lang. Biglang namatay na ang isyu, ‘no mga kosa? Ano na ang masasabi ni DILG Sec. Benhur Abalos dito? Dipugaaa!

Ayon sa kuwento ng mga kosa ko, inamin ni Zarate na ilang beses din siyang ginamit ni JM sa pagdeliber ng droga gamit ang Foton van. Kinukuha ni Zarate ang saku-sakong droga sa yate sa White House sa Nasugbo, Batangas at dinadala ito sa bahay ng boss n’ya sa Parañaque City.

Ang sistema naman ni JM ay dadalhin ang droga sa basement parking ng isang condotel at sabay utos kay Zarate na kunin ang mga sasakyan sa iba’t ibang dako ng Metro Manila. Pagkakarga ng epektos, ibabalik ni Zarate ang mga sasakyan sa lugar kung saan n’ya ito kinuha. Sanamagan! Ang sakit sa bangs nito! Hehehe!

Hindi naman masabi ni Zarate kung paano binabayaran ng kanyang suki si JM sa shipment ng droga. Ano ba ‘yan? Tiyak bank to bank ito! Mismooo!

Si Zarate ay online English teacher subalit may sideline na gym instructor sa Marikina City at ang isa niyang tinuturuan ay ang MMA fighter na si Laurence Canavan. Sa gym niya nakilala si JM. Panaka-naka, ginagamit ni JM si Zarate bilang driver ng kanyang sasakyan mula Pampanga patungong Zambales.

Hanggang nakuha na ni Zarate ang tiwala ng amo niya at ibinili siya ng Foton van sa Pampanga. Noong panahon ng pandemya, panay bigas lang ang karga ng Foton van ni Zarate, na ipinamahagi naman ng amo niya sa mga mararalita. Hanggang sa paulit-ulit na lang siyang pumupunta sa Nasugbu para magkarga ng saku-sakong droga galing sa yate. Dipugaaa!

Siyempre, ang lahat ng kasamaan ay talagang may hangganan. Kaya ang huling biyahe ni Zarate ng droga ay aksidenteng naharang sa Alitagtag at hayun…swak siya sa banga!

Abangan!

vuukle comment

DILG

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with