^

Punto Mo

Maid of Honor (154)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SANA pala four year nursing na ang kinuha mo Yana. Aba kayang-kaya mo pala ang kurso. Ang tataas ng grades mo,” sabi ni Bianca habang hawak ang papel na may grades ni Yana.

“Tama na po sa akin ang nursing aide, Ate para mabilis makatapos at nang makahanap ng trabaho.’’

“Sabagay. Mayroon nga akong alam na kumuha ng apat na taong kurso pero hanggang ngayon tambay pa rin. Palamunin ng magulang. Kasi ang iba, basta na lang kukuha ng kurso na hindi muna nag-iisip na mabuti kung talaga bang yun ang gusto nila. Mayroon na gaya-gaya lang.’’

“Ako po talaga e nursing aide na ang gusto noon pa. Gusto ko kasi makapagtapos at makapagtrabaho para matulungan sina Itay at Inay.’’

“E si Inah, ano naman ang gusto niya?’’

“Wala po akong alam sa gustong course ni Inah. Basta ang alam ko, gusto niyang makapagtrabaho agad. Kaya nga nang may mag-recruit sa kanya, agad na sumama. Hindi niya alam na recruiter pala ng mga magsasayaw sa club ang nasamahan. Nasadlak tuloy siya sa prostitution at napasakamay pa ng sindikato.’’

“Mabuti na lamang at nailigtas siya kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa kanya.’’

“Oo nga Ate.’’

“Mabait talaga ang Diyos at nabago ang kanyang kapalaran. Nagtagumpay siya sa kanyang beach resort.’’

“Mabait nga ang Diyos Ate.’’

“Sana magtuluy-tuloy ang magandang kapalaran ni Inah at pati ikaw Yana.’’

“Salamat Ate.”

Itutuloy

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with