^

Punto Mo

‘Medalyon’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

(Last Part)

Dahil sa pag-aalala ng mga magulang ni Lolo Francisco sa kalagayan nito na mapaghinalaan ng mga Hapones na runner ng mga gerilya, kinuha umano ng ina ni Lolo sa baul ang isang medalyon. Ang medalyon ay may kuwintas na itim. Ipinasuot umano kay Lolo at mahigpit ang paalala sa kanya ng ina.

“Huwag mong kalilimutan na laging isuot ang medalyon na yan, Francisco, ‘Yan ang magliligtas sa’yo.’’

“Opo Inay,’’ sagot daw ni Lolo Francisco.

Noon daw ay masyadong mababagsik ang mga sundalong Hapones at madalas magsagawa ng sona. Lahat nang lalaki ay pinalalabas at dinadala sa plasa. Nagkaroon kasi ng labanan ang mga gerilya at Hapones at may mga namatay sa kalaban. Naging paladuda ang mga sundalo at lahat ng lalaki ay iniimbestigahan.

Dahil si Lolo Francisco ay malaking bulas gayung kinse anyos lang, nangamba ang kanyang mga magulang na paghinalaan itong runner ng mga gerilya. Iyon ang dahilan kaya, ipinasuot dito ang medalyon. Hindi ito pinalalabas ng bahay upang hindi mapagkamalan.

Pero isang araw, nagkasakit umano ang ama ni Lolo at kailangang sunduin ang doktor sa bayan. Si Lolo ang inutusang sumundo. May isang kilometro ang layo ng bahay ng doktor. At sa pagtungo roon ay may mga checkpoint ang Hapones.

Nilakasan daw ni Lolo ang loob. Kailangang masundo niya ang doktor at magamot ang kanyang ama.

Lumakad na siya. Hanggang makarating siya sa unang checkpoint. Nakalampas na raw si Lolo sa sentry nang bigla siyang tawagin ng sundalo. Lumapit siya. Hinila siya at dinala sa pinaka-opisina. Mabalasik ang mukha ng sundalo. Naramdaman ni Lolo na may masamang gagawin sa kanya ang sundalo. Hawak umano ng sundalo ang baril nito na may bayoneta sa dulo. Nangingintab ang bayoneta. Matalim na matalim. Maya-maya lumabas ang sundalo at may kinausap na isa pang sundalo. Matagal na nag-usap. Dasal nang dasal daw si Lolo. Pakiramdam ni Lolo, pinagbibintangan siyang runner ng gerilya.

Nang pumasok ang sundalo, bigla nitong hinila ang suot na puting tshirt ni Lolo. Napunit. Lumantad ang suot na medalyon ni Lolo.

Sa pagtataka ni Lolo, tila nasilaw ang sundalo nang makita ang medalyon. Nasaktan ang mga mata nito.

Sa pagtataka pa ni Lolo, pinalabas na siya ng sundalo at hinayaang umalis. Ligtas na nakadaan siya sa ibang checkpoint at nasundo ang doktor.

Hindi malimutan ni Lolo ang karanasang iyon. Niligtas siya ng medalyon.

vuukle comment

MEDALYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with