^

Punto Mo

‘Tilaok’

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MARAMI kaming alagang manok noon sa probinsiya. Ang silong ng aming bahay ay ginawang kulungan ng manok ng a­king tatay. Sa hapon, pagsapit ng alas singko ay pinapapasok niya ang mga manok at sa umaga, pagsapit ng alas singko ay pakakawalan niya. Pawang mga native ang manok kaya masarap itinola at adobo sa gata. Siguro ay mahigit 200 ang manok ni tatay. Halo-halo na ang lalaki at babae.

Palibhasa ay kawayan ang sahig ng aming bahay, nalalanghap ko ang ipot ng manok kapag ako ay natutulog.

Pero hindi yun ang pinakama­tindi kong reklamo kundi ang pagtilaok ng manok tuwing alas kuwatro ng madaling araw. Nagsasagutan ang mga tandang sa pagtilaok kaya sira ang aking pagtulog. Mula alas kuwatro hanggang alas singko ng hapon ay hindi na ako makatulog. Hindi naman ako makapagreklamo kay tatay sapagkat alam kong magagalit siya. Sasabihin niya, “ang mga manok na yan ang nagpapaaral sa inyo”.

Kaya wala na akong masabi. Tiisin na lamang ang tilaok ng manok. Tinatakpan ko ng bulak ang mga taynga ko subalit nanunuot pa rin ang tilaok ng tandang. Dinig na dinig ko ang sagutan ng tandang.

Hanggang sa mangyari yun. Hindi ko malilimutan ang pangyayari. Nag-iisa ako sa aming bahay dahil sina tatay at inay ay dumalo sa graduation ng kapatid ko at kinabukasan pa uuwi.

Inagahan ko ang tulog para pagsapit ng 4:00 a.m. ay eksaktong pitong oras ang tulog ko.

Pero nagtaka ako sapagkat alas tres pa lamang ay tumilaok na ang mga manok. Sagutan nang sagutan. Parang may kinatatakutan. Kinabahan ako. Sumilip ako sa silong at nagulat ako sapagkat isang malaking sawa ang naroon. Ang ma­tindi, naipasok na ng sawa ang ulo sa siwang ng haligi at ako ang puntiryang lingkisin. Hula ko rin, marami na siyang nakain na manok.

Humanda ako. Dinampot ko ang tukod ng bintana.

Pagsungaw ng ulo ng sawa, pinalo ko para mdepensahan ang sarili. Kasinglaki ng hita ko ang sawa. Dahil nasaktan ang sawa, dahan-dahan itong lumabas sa kulungan.

Nakahinga ako nang maluwag. Nakaligtas ako sa panganib. Kung hindi dahil sa tilaok ng mga tandang baka, nalingkis at nalulon na ako ng sawa.

vuukle comment

CHICKEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with