^

Punto Mo

EDITORYAL - Malakas ang loob dahil sa ­‘gentleman’s agreement’

Pang-masa
EDITORYAL - Malakas ang loob dahil sa ­�gentleman�s agreement�

MAY pinanghahawakang kasunduan ang China sa Pilipinas kaya malakas ang loob na mam-bully o mang-harass. Mayroon “gentleman’s agreement” sa pagitan ni dating president Rodrigo Duterte at Chinese leader Xi Jinping. Kaya asahan na ang mga susunod pang pag-water cannon ng China Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na maghahatid ng supply sa mga sundalong Pilipino sa BRP Sierra Madre at ganundin sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal.

Noong Martes, binomba at binangga ng China Coast Guard (CCG) ang BRP Datu Bankaw habang patungo sa Scarborough Shoal para dalhan ng ayuda ang mga mangingisda. Walong beses binugahan ng tubig ang Datu Bankaw at saka binangga na ikinasira ng unahang bahagi nito. Wala namang nasaktan sa Datu Bankaw na ginagamit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang pag-water cannon sa Datu Bankaw ay walang ipinagkaiba sa mga nauna nang ginawa ng CCG sa mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG). Hindi na mabilang ang pag-water cannon at pagbangga ng CCG sa mga barko ng Pilipinas.

Ang mga ginagawang pagharang at pagbomba ng tubig ng CCG sa mga barko ng Pilipinas ay maaring may kaugnayan sa “gentleman’s agreement” nina dating President Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping.

Sa kasunduan, pumayag daw si Duterte na hindi magdadala ng construction materials ang mga barko ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre na nasa Ayungin Shoal at binabantayan ng mga sundalong Pinoy. Itinanggi naman ni Duterte ang kasunduan. Wala rin daw siyang ipinamimigay na teritoryo.

Tamang-tama naman ang naisip ng mambabatas na si Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun na ipatawag ang mga dating­ Cabinet secretaries ni Duterte kaugnay sa imbestigasyon sa kontro­bersyal na “gentleman’s agreement” kaugnay ng isyu sa pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sabi ni Khonghun, sa inihain niyang House Resolution 1684 ‘in aid of legislation’ nais niyang paimbestigahan ang kasunduan na pinasok ni Digong sa panahon ng administrasyon nito kay Xi Jinping.

Binigyang diin ni Khonghun na dapat malinawan ang alegasyon na ang desisyon ni Duterte ay posible umanong na-bargain ang karapatan ng Pilipinas sa teritoryo at exclusive economic zone (EEZ) sa West Philippine Sea.

Ipursigi ang pag-iimbestiga sa “gentleman’s agreement’’ para maliwanagan ang sambayanan sa kontrobersiyang ito. Tiyak na malaki ang kaugnayan nang mga ginagawang pambu-bully ng China sa mga naghahatid ng supply sa Ayungin at sa Scardborough.

vuukle comment

XI JINPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with