^

Punto Mo

Wala raw final pay na matatanggap?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Normal lang ba na wala daw akong makukuhang final pay sa pinagtrabahuhan ko ng more than 8 years kasi raw ay nag-resign ako? Ang makukuha ko lang daw ay 13th month. Tama po ba ang sinabi ng employer ko? —Hermie

Dear Hermie,

Kailangan muna ng paglilinaw kung ano ba ang final pay at kaugnay nito, ang depinisyon na rin ng separation pay.

Ang final pay ay karaniwang binubuo ng halagang dapat na sinahod ng nagbitiw o natanggal na empleyado bago siya nawalay sa trabaho. Kasama na rin dito ang bahagi ng kanyang 13th month pay kung hindi pa karaniwang bigayan ng 13th month pay nang siya ay umalis sa trabaho.

Base sa depinisyon ay mali ang sinabi ng employer mo na hindi ka makatatanggap ng final pay  dahil ikaw ay nag-resign. Katulad ng nabanggit, binubuo ang final pay ng sahod na pinagtrabahuhan na ng empleyado at ang bahagi ng kanyang 13th month pay na kailangang ibigay sa kanya ayon sa batas. Sa madaling sabi, wala dapat kinalaman sa pagbibigay ng final pay ang ginawang pagre-resign ng empleyado.

May posibilidad naman na separation pay pala ang tinutukoy ng iyong employer. Ang separation pay ay ang halagang maaring matatanggap ng isang manggagawa kapag ang kanyang pagkatanggal sa trabaho ay dahil sa mga tinatawag na “authorized causes” tulad ng pagkalugi ng negosyo, kalabisan ng dami ng empleyado, o kakulangan ng trabaho para sa mga manggagawa.

Sa sitwasyon mo kung saan ang pag-alis sa serbisyo ay sa pamamagitan ng pagre-resign, ang final pay lamang ang matatanggap ng empleyado. Katulad ng naunang nabanggit, ang separation pay ay angkop lamang sa mga sitwasyon kung saan tinanggal ang empleyado bunsod ng mga authorized causes o iyong mga dahilang pinapahintulutan sa ilalim ng batas.

Mas mainam kung lilinawin mo sa iyong employer kung alin sa final pay o separation pay ang kanilang tinutukoy na hindi mo raw matatanggap. Maari silang maharap sa reklamo kung ipipilit nila na walang karapatan sa final pay ang isang nag-resign na empleyado.

vuukle comment

HERMIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with