^

Punto Mo

Nigerian talk show host, dalawang araw na walang tigil nag-interview ng guests!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG talk show host sa Nigeria ang nakapagtala ng world record dahil mahi­git dalawang araw na walang tigil nag-interview ng mga guests sa kanyang programa!

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na ang Nigerian social media influencer na si Clara Chizoba Kronborg ang pinakabagong world record holder ng titulong “Longest Interviewing Marathon”.

Ito ay matapos siyang makapagsagawa ng talk show marathon kung saan tuloy-tuloy siyang nakapag-interview ng 90 katao sa loob ng 55 oras at 24 na segundo.

Naganap ang record breaking attempt ni Kronborg sa loob ng kanyang yate na nakadaong sa Marbella, Spain. Ilan sa mga guests ni Kronborg sa kanyang talk show marathon ay mga pulitiko, business owners, actors, real estate agents at mga tao na may iba’t ibang nationalities at background.

Hindi naging madali kay Kronborg ang talk show marathon dahil kalagitnaan pa lang nito ay napapaos at nawawalan na siya ng boses. Upang malunasan ito, inom siya nang inom ng tubig ngunit naging dahilan naman ito para siya makaramdam nang madalas na pag-ihi. Para hindi makaabala ang pag-ihi, nagsuot ng adult diapers si Kronborg.

Nang makaabot na sa 55 oras si Kronborg at kinumpirma na ng Guinness na na-break na niya ang previous record, hindi siya makapaniwala na nasa kamay na niya ang world record title na “Longest Interviewing Marathon” dahil wala siyang tiwala noon na mapapasakamay niya ito.

Ayon Kronborg, imposible lamang ang mga pangarap kapag hindi ito sinubukan.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with