^

Punto Mo

15-anyos na tinedyer sa Saudi Arabia, tinaguriang ‘pinakabatang journalist’ sa buong mundo!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG teenager sa Saudi Arabia ang nakatanggap ng Guinness World Records dahil sa kanyang batang edad ay isa na siyang kolumnista sa dyaryo!

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na si Ritaj Hussain Alhazmi ang bagong record holder ng titulong “Youngest Newspaper Columnist (Female)”.

Ito ay dahil sa edad na 15 ay nagsusulat na si Alhazmi sa pahayagang Arab News Pakistan, isang English newspaper na nakabase sa Saudi Arabia.

Sa kanyang column, sinusulat ni Alhazmi ang mga topic tulad ng kultura ng kanyang bansa, environmental issues at sustainability.

Bata pa lamang si Alhazmi ay mahilig na siyang magsulat ng mga kuwento. Noong siya’y 12-anyos, nakapagsulat na siya ng novel series at nakatanggap siya ng Guinness World Record title na “Youngest Person to Publish a Book Series (Female)” dahil dito.

Sa panayam kay Alhazmi, nais niyang ma­ging inspirasyon sa lahat at ipakitang hindi dapat maging hadlang ang edad sa pag-abot ng pangarap.

vuukle comment

JOURNALIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with