Komedya ng eleksiyon, magandang leksiyon
MAAGANG nagpormahan ang mga kakandidato sa 2025 election. May mga nagbuo ng munting pulong na may question and answer pa.
Kahit alam nang marami na scripted ang lahat ng tanong at sagot ay hindi na mahalaga. Basta may bitbit na ayuda!
Bago pa dumating ang bagyong Kristine, nagparamdam ang kandidatong dedikado at nakapaghanda ng gastusin sa pangangampanya.
Namigay ng pera sa liblib na lugar na may kasama pang gurang na artista. Baka maging pabigat sa iyo ‘yan, di kaya?
Ugali na ng mga kandidato ang magpa-low profile sa kanilang kaharap kaya may mga pagkakataon na sinasadya ng mga pilyong istambay sa barangay na iharap sa kanila ay ‘yung tao na wala sa sariling pag-iisip.
May pabeso-beso pa at ginagawang komedyang pinasasayaw kapares ang kandidato. Nakakabaliw talaga!
Karamihang kandidato sa lokal na pamahalaan ay anak at malalapit na kamag-anak ng mga incumbent officials.
Kahit sa Senado ay mag-iina at magkakapatid na rin ang nahahalal. Wala silang kasalanan diyan. Ibinoboto eh! Di ba?
- Latest