^

Punto Mo

Mga nanay na dapat mabulok sa kulungan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MARAMI nang naaresto dahil sa pagbebenta ng mga hubad na larawan ng mga menor de edad on-line at karaniwang mga dayuhan ang parukyano. Pero sa kabila na marami nang nahuli at nakakulong, marami pa rin ang gumagawa nito. Walang kadala-dala. At kapag naaresto, sasabihin na nagawa nila iyon dahil sa kahirapan ng buhay. Isang dahilan na gamit na gamit na at mahirap paniwalaan.

Ang nakagagalit pa, mga ina ang gumagawa ng pagbebenta ng mga hubad na larawan o sex live show. At ang kanilang biktima ay sariling anak—mga maliliit na anak at meron pang sanggol. Napakasama ng mga inang ito. Dapat talagang mabulok sila sa kulungan.

Gaya nitong nanay na naaresto ng National Bureau of Investigation-Human Trafficking Division (NBI-HTD) sa Taguig City, kamakalawa. Itong nanay, dalawang anak niyang babae na mga menor-de-edad ang inilalako para sa sex live show sa online.

Ayon kay NBI Direc­tor Jaime Santiago, nahuli nila ang nanay nang makatanggap sila ng impormasyon na may facilitator sa Pilipinas na nagpapadala ng sexually exploitative images at vi­deos ng minors sa US. Agad silang nagsagawa ng entrapment operation nang makakuha ng warrant sa korte. Nahuli ang suspek na nanay at na-rescue ang mga anak na menor de edad. Ayon sa NBI agent, ang live show ay ginagawa tuwing hapon. Nakumpiska sa pagsalakay ang mga computer devices, iba’t ibang sex toys na gina­gamit sa sex live shows at money remittances. Kinasuhan ang nanay ng paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination).

Ilang buwan na ang nakararaan, isang nanay ang inaresto ng NBI matapos ibugaw ang dalagitang anak at pamangkin sa online sex show. Nagkunwaring kliyente online ang tauhan ng NBI-Anti Human Trafficking Division. Nang matunton ang bahay ng suspek, naabutan doon ang 11-anyos na anak at 14-anyos na pamangkin na parehong hubad. Sabi ng nanay, desperado raw siya dahil walang pera para sa pagkain. Wala raw sumusuporta sa kanila kaya wala siyang choice.

Katwiran ba ito ng isang ina? Dapat mabulok sa bilangguan ang mga nanay na kinakalakal ang katawan ng kanilang anak. Paigtingin pa ng NBI ang pagtunton sa mga gumagawa ng kahalayan on line.

HUMAN TRAFFICKING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with