^

Punto Mo

PhilSys national ID, bakit natatagalan ang pag-iisyu?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYUN, mabuti at may kumalampag na sa Philippine Statistics Authority (PSA) para pabilisin ang pagpaparehistro lalo na marahil ang pag-iisyu ng PhilSys national Identification Card (ID).

Naku naman kasi, hindi lang isang taon ang itinatagal bago makuha ng mga nagparehistro ang kanilang mga PhilSys ID card.

Hindi nga malaman kung ano ang dahilan at marami pa rin sa ating mga kababayan ang matagal nang nag-apply para dito, pero hanggang ngayon eh wala pa ang card.

Isa na nga sa nangalampag si Partylist Rep. Bernadette Herrera na nagsabing kinakailangan ang PHilSys ID para mabilis na maiberipika sa pamamagitan ng QR coding nito ang mga senior citizens at eksaktong edad ng mga ito para sa eligibility, lalo na nga at napagtibay na ang Centenarian Law.

Hindi lang sa mga senior kundi sa milyun-milyon pang Pinoy na umaasang magagamit nila ang naturang ID para sa kanilang mga transaksyon kaya nga maaga pa lang ay nag-apply na pero hanggang sa ngayon eh wala pang natatanggap.

Sinasabing aabutin lamang ng anim na buwan bago makuha ng isang nag-apply ang hard copy ng kanilang national ID.

Pero may ilan na nagpahayag sa inyong Responde na mahigit na sa isang taon matapos nilang maiproseso ang registration, eh hanggang sa ngayon ay wala pa ang kanilang ID.

Magugunitang nilagdaan para maging batas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2018 ang Repulic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act.

Layon ng batas, na ang national ID ay magiging valid proof na mamagamit ng mga mamamayan sa kanilang mga transaksyon, pagbubukas ng bank account at maging sa pag-eenrol.

Makakatulong din ito para mapadaling ma-access ang mga serbisyo ng pamahalaan.

Maganda ang layunin, kaya nga nang simulan aba’y milyon agad ang nakipagsiksikang mag-apply, pero sa kabila nga nito dismayado ang marami dahil hindi pa nila hawak ang ID.

Sana nga eh lubusang matignan ito ng mga kinauukulan kung ano at saan ba ang problema at agad gawan ng paraan para sa milyung mga Pinoy na naghihintay pa rin dito.

vuukle comment

PHILSYS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with