^

Punto Mo

Ang salitang ‘disiplina’ kapag inabuso ng ina

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ILAN sa aking natutuhang leksiyon: una, magpayo pero huwag magdikta at pangalawa, magdisiplina pero huwag mananakit.

Ang ina ay may kaisa-isang anak na babae. Palibhasa’y nag-iisa, dito lang nakatuon ang pansin ng ina. Ang ina mismo ang naghahatid at sumusundo sa anak. Dumating pa sa punto na mula umaga hanggang hapon ay nakabantay siya sa school ng anak.

Minsan, nakakuha ng mababang marka sa exam ang anak. Pinagalitan ito at hindi pinakain ng hapunan. Iyon daw ay upang magsikap ang anak sa pag-aaral. Kapag may exam ang anak at nakikita ng ina na hindi nito siniseryoso ang pagre-review ay tinatalakan niya ito.

Isang araw, nagtalo ang mag-ina dahil ang anak ang may pinakamababang rank sa kanilang section base sa average grade per student. Galit na galit ang ina kaya sinampal nito ang anak. Biglang naghisterikal ang anak at pasigaw na sinabi sa ina:

“Bakit sampal lamang, sige bugbugin mo na ako para bukas ay hindi na ako makapasok sa school. Ayoko na sa school. Ayoko nang mag-aral! Put—inang pag-aaral ‘yan!”

Nagulat ang ina. Hindi makapaniwala. Ang grade four niyang anak ay marunong nang magmura! Ang galit na kinikimkim ng anak sa kanyang ina ay nag-manifest sa pakikitungo niya sa kanyang mga kaklase. Wala itong makasundo at laging may kaaway. Bunga nito ay wala siyang kaibigan.

Ngayon ay high school na ang anak. Ganoon pa rin ang ugali nito. Famous siya sa eskuwelahan sa tawag na “Santa-santita”. Maamo kasi ang mukha nito pero maldita. Nang mag-JS Prom ay wala ni isa man lalaki ang kumuha kay Santa-santita upang ito’y maging kapartner.

Nang malaman ng ina ay napaiyak ito. Ngayon kailangan pa niyang bumayad sa psychologist para sa therapy ng anak. Gusto niyang “umayos” ang takbo ng utak ng kanyang anak na dati namang maayos pero siya lang ang nagpagulo.

DISCIPLINE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with