^

Punto Mo

Lola sa Taiwan, natuklasang may gagambang naninirahan sa loob ng taynga!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 64-anyos na lola sa Taiwan ang natuklasang may gagamba sa loob ng kanyang taynga matapos magpatingin sa doktor!

Kamakailan, nag-publish ng case report sa New England Journal of Medicine ang ilang doktor sa Tainan Municipal Hospital tungkol sa kakaibang medical case ng isang lolang pasyente.

Ang pasyente ay naiulat na hindi makatulog ng ilang gabi dahil sa naririnig nitong mga tunog ng pagtibok sa loob ng kanyang taynga. Bukod dito, sa tuwing siya ay nakahiga ng patagilid, nararamdaman niya na may gumagalaw sa kanyang kaliwang taynga.

Sa takot ng pasyente na may kinalaman ito sa kanyang hypertension agad nagpatingin ito sa mga doktor sa Tainan Municipal Hospital at doon natuklasan na may gagamba siya sa external auditory canal ng kaliwang taynga.

Ayon sa mga doktor, may katagalan na ang gagamba sa taynga ng pasyente dahil nakita rin sa loob ang lumang balat o exoskeleton ng ga­gamba. Pruweba na matagal na itong naninirahan doon at lumaki na ito sa loob ng taynga at nakapagpalit na ito ng kanyang balat.

Upang matanggal ang gagamba at pinagbalatan nito, gumamit ang mga doktor ng tube para mahigop ito paalis sa taynga. Agad nawala ang mga sintomas na idinadaing ng pasyente at hindi nagkaroon ng kahit anong damage sa eardrum nito.

TENGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with