^

Punto Mo

Ganti ng mummy

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Sumikat si Harry Houdini sa kanyang mga sensational escape acts noong 1891 hanggang bago siya namatay noong 1926. Ang pagkawala ni Houdini ang sinamantala ng mga baguhang escape artists. Pagkakataon na nila upang magpasikat at ipakitang sila ang karapat-dapat na humalili sa tronong naiwan ng dakilang Escape Artist.

Ang mga entertainer noong 20s sa New York ay kinabibila­ngan ng mga magicians, escape artist, illusionist bukod sa mga artista at mang-aawit. Isa sa umaasa na sila ang hahaliling umupo sa trono ni Houdini ay ang unti-unting sumisikat na Virgo Brothers na mahusay sa pagmamadyik at escape acts.

May usap-usapan sa mundo ng circus na ang magkapatid na ito ay dumayo pa sa Egypt upang makakuha ng amulet para magawa nila ang magic at escape act nang hindi ‘mandadaya’. Kumbaga, tunay na magic ang kanilang ipapakita sa mga tao.

Ang sekreto ng magkapatid ay kumalat dahil ipinagtapat nila ito sa kanilang mentor/manager. Pagkaraang matukoy kung saan inilibing ang mummy na hinahanap nila, pinutol nila ang isang daliri nito. Ang mummy ay dating sikat na magician noong siya ay nabubuhay pa. Ang daliri ay ipinaorasyunan nila sa Egyptian priest upang makapagbigay sa kanila ng kapangyarihang makagawa ng tunay na magic. Ninakaw ang daliri kaya ang karma nito, ayon sa mga mistikong nakausap ng manager ng magkapatid ay mamamatay ang isa sa kanila habang nagpe-perform ng escape acts.

Sa kagustuhang magpasikat at malampasan ang kagila-gilalas na ginawa ni Houdini, naisipan nilang magpagawa ng yelo na korteng kabaong. Dito hihiga si Mark Virgo ng 24 hours. Ang kanyang Kuya John naman ang magbabantay sa kanya, in case, na magkaroon ng problema. Noon ay panahon ng snow kaya ang yelong pagbabaunan kay Mark ay ilalagay sa plaza upang masubaybayan ng tao ang pangyayari. Tumutol ang manager na gawin nila ang delikadong escape act dahil batid niya ang sumpa sa ninakaw na daliri. Ngunit mapilit ang magkapatid.

“Hindi ako mamamatay, don’t worry. Hindi totoo ang sumpa,” sabi ni Mark sa kanyang manager.

Mga apat na oras na si Mark sa loob ng yelo nang sumenyas ito sa kanyang Kuya John na hindi na niya kaya ang lamig. Nakita ni John na nangingisay na ang kapatid kaya buong lakas nitong binasag ang yelo gamit ang palakol. Nailigtas nila si Mark bago ito magkaroon ng hypothermia.

Ilang araw na si Mark sa ospital pero hindi na nagpakita ang kanyang kuya John matapos magpaalam na uuwi muna ito sa kanilang bahay. Pinuntahan ng manager si John sa bahay. Walang sumasagot matapos kumatok nang ilang beses kaya nagpasiya ang manager na sirain ang pinto.

Hindi makapaniwala ang manager sa nakita: Nakaipit ang mga daliri ng kanang kamay ni John sa pintuan ng kuwarto. Nakamulat ang mga mata nito na parang naghirap muna saka nalagutan ng hininga. Para bang sinadyang ilagay ang kanyang mga daliri sa may pintuan at pagkatapos ay isinara ito para ipitin hanggang sa madurog ang mga buto.

Di ba’t ang sabi ay mamamatay ang isa sa kanila habang nagpe-perform? Hindi na siguro nangyari iyon. Gumanti na lang ang mummy sa pamamagitan ng pagbali rin ng daliri ni John. Ito pala mismo ang bumali sa daliri ng mummy, ayon kay Mark.

ESCAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with