^

Punto Mo

Lalaki na may pinakamahabang balbas sa buong mundo, matatagpuan sa Canada!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Canada ang nakatanggap ng Guinness World Record dahil sa pagkakaroon nang pinakamahabang balbas!

Noong 2008 unang natanggap ni Sarwan Singh ng Surrey, British Columbia ang world record title na “World’s Longest Beard” dahil sa balbas niya na may habang 7 feet and 8 inches long.

Noong 2010, natalo niya ang sariling record nang madagdagan ang haba ng kanyang balbas sa sukat na 8 feet and 2.5 inches.

Nagsimulang magpahaba ng balbas si Singh noong siya’y 17 years old at ngayong 2023, natalo niya sa ikalawang beses ang sarili niyang record nang mapahaba niya ang balbas sa habang 8 feet and 3 inches long.

Ayon kay Singh, ang pagpapahaba niya ng kanyang balbas ay para sa kanyang relihiyon na Sikhism. Para sa kanya, ang pagkakaroon nang pinakamahabang balbas sa buong mundo ay hindi personal achievement kundi isang blessing mula sa Diyos.

vuukle comment

BALBAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with