^

Punto Mo

Pusa sa England, pinarangalan ng Guinness bilang pinakamatandang pusa sa mundo!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pusa sa England ang binigyan ng Guinness World Record title na “World’s Oldest Living Cat”!

Kinumpirma ng Guinness noong November 10, 2022 na ang black and brown cat na si Flossie ang pinakamatandang pusa sa buong mundo.

Base sa kanyang veterinary records, ipinanganak si Flossie noong December 29, 1995 at ang kasalukuyang edad na niya ay 26 years, 11 months and 5 days old.

Dahil mas mabilis ang ­aging process ng mga pusa, ang edad ni Flossie ay equivalent na sa 120 years old at maituturing na siya bilang isang senior cat.

Kahit senior cat na si ­Flossie, maayos ang kanyang kalusugan ngunit mahina na ang kanyang pandinig at halos wala na siyang paningin.

Dalawang beses na siyang nagpalipat-lipat ng bahay dahil namayapa na ang mga nag-aalaga sa kanya.

Sa kasalukuyan, inampon na si Flossie ng ­executive assistant na si Vicki Green. Ayon kay Green, ­ipinapangako niya na ito na ang forever home ni Flossie at sobra siyang proud na ang alaga niyang pusa ay isang Guinness World Record holder.

CATAPULT KIT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with