^

Punto Mo

Ano ang habol ng ­empleyadong tinanggal na may sapat na dahilan ngunit hindi nabigyan ng karampatang notice?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

May habol ba kami sa dati naming kompanya na nagtanggal sa amin sa trabaho dahil nalulugi na raw sila? Mukha namang totoo ang sinasabi ng management na  pagkalugi dahil alam naming mga empleyado na ilang taon na ring hindi kumikita ang kompanya pero hindi ba dapat ay nabigyan kami ng notice bago kami tinanggal? Verbal lang po kasi ang ginawang pagtanggal sa amin at wala pang isang linggo ito sinabi sa amin bago kami tuluyang hindi pinapasok sa trabaho. —Elmer

Dear Elmer,

Kahit pa may sapat na dahilan ang employer para magbawas ng empleyado, katulad halimbawa ng matinding pagkalugi, ay kailangan pa ring sundin ang tamang proseso para rito, kabilang na ang pagbibigay ng karampatang notice sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa mga apektadong empleyado.

Sa kaso ng SMC v. Aballa et al. (G.R. No. 149011, 28 June 2005), nagawang patunayan ng employer ang matinding pagkalugi ng kompanya na dahilan upang kailanganin ang retrenchment o pagbabawas ng empleyado. Gayunpaman, verbal o sinabihan lang ang mga apektadong empleyado na sila ay tatanggalin na kaya ipinag-utos ng Korte Suprema na bayaran ng employer ang bawat empleyadong tinanggal ng walang notice ng P50,000.00 bilang nominal damages. Ang nasabing halaga ay bukod pa sa separation pay na karaniwang natatanggap ng mga empleyadong tinanggal dahil sa retrenchment.

Kaya sa sitwasyon mo, may habol pa kayo sa employer n’yo kung hindi kayo nabigyan ng kaukulang notice ukol sa inyong pagkakatanggal. Kahit pa mapatunayan ng employer na totoo nga ang sinasabing pagkalugi ng kompanya, maari pa rin silang pagbayarin ng daños para sa hindi nila pagsunod sa tamang proseso ng pagtatanggal ng empleyado. Ito ay bukod pa sa separation pay na dapat ay matanggap n’yo rin bilang mga na-retrench na mga empleyado.

EMPLEYADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with