^

Punto Mo

Kailan dapat itikom ang iyong bibig?

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Kapag nagpupuyos ka sa galit.

• Kapag kulang ka sa facts.

• Kapag hindi mo pa nabeberipika ang katotohanan ng buong istorya.

• Kung ang sasabihin mo ay magdudulot ng low self-esteem sa iyong kausap.

• Kung ang sasabihin mo ay ikasisira ng reputasyon ng iyong pamilya o kaibigan.

• Kung magbibiro ka tungkol sa kabastusan.

• Kung ang salitang mamumutawi sa iyong labi ay kakainin mo sa bandang huli.

• Kapag magbibiro tungkol sa relihiyon.

• Kung ang sasabihin mo ay magbibigay ng wrong impression sa mga kausap mo.

• Kung ang layunin mo lang ay mambara.

• Kung wala kang kinalaman sa isyu.

• Kapag natutukso kang magsinungaling.

• Kung makakasira ito ng inyong pagkakaibigan.

• Kung natutukso kang manigaw.

• Kung nagmamagaling ka lang o naggagaling-galingan.

• Kung natutukso kang mambola dahil may hihingin ka sa kausap mo.

• Kung kailangan mong makinig kaysa magsalita. Sabi ng isang pantas: Mas mabuti ang makinig kaysa magsalita dahil sa pakikinig ikaw ay natututo ng bagong kaalaman. Samantalang kung ikaw ang nagsasalita, walang madadagdag sa iyong kaalaman dahil ang sasabihin mo ay dati mo nang alam.

vuukle comment

FACTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with