^

Punto Mo

Ang COVID, bow

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAGKAUTUTANG dila kami ng kilala kong doktor na nakatalaga sa tatlong government hospitals sa Metro Manila, kaya naman tinanong ko ito kung ano na ang nangyayari sa COVID na sinasabing tumataas sa mga balita.

Natawa lang sa akin ang kaibigan kung doktor at sinabing hindi ito totoo? 

Hindi raw COVID kundi iba’t ibang sakit dahil ang mga ospital na pinaglilingkuran niya ay walang mga dinadalang nagkakasakit ng COVID.

Sabi nga, ibang mga sakit meron, hehehe! 

Sabi pa ng doktor, ang Quezon City Institute Hospital na ginawang COVID facility noon ay halos wala nang pasyente ng mga bagong COVID variant.

Dapat na itong isara dahil wala ng may sakit at kung mayroon man ay mabibilang lang sa daliri ng kamay at hindi na kasama ang daliri sa paa, hehehe!

Hindi ordinaryong government hospitals ang pinapasukan ng kaibigan kong doktor kaya naman napapakamot ako ng ulo kapag ibinibida niya ang pangyayari.

Sabi nga, mukhang may nangyayaring milagro?

Bakit?

Sabi nga,  kung ano yung wala na, saka naman ibinabalitang tumataas ang bagong COVID ­variant. Ika nga, gusto pang gawing Alert level 2 ang Metro Manila. Hindi ba nila alam na maraming magugutom. Lugmok na nga ang ekonomiya gusto pang lunurin nang husto. 

Kawawang BBM?

Bakit noong campaign period at presidential election walang balitang tumaas ang mga nagkasakit ng COVID samantalang maraming di naka-face mask noon. Sa ilang lugar sa Manila nagkalat mga istambay at mga kabataan na walang face mask at mga mga kalalakihan nakahubad ng pantaas. 

Ano ba ito? 

Kaya naman may ilang malalaking negosyante ang nagsasabing hindi na umano dapat magsuot ng face mask ang madlang people sa Metro Manila dapat na itong alisin.

Bakit? Sangkaterba na ang bakunado at marunong na ang madlang Pinoy kapag tinamaan sila ng sakit. 

Hindi talaga mawawala ang mga sakit na trangkaso, ubo, sipon at lagnat dahil sa panahon. 

Anong sa palagay ninyo? 

Ang COVID ay hindi na mawawala dahil sumasama na ito sa weather at hangin. 

Abangan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with