^

Punto Mo

Bakit contract to sell at hindi deed of sale ang pipirmahan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Bakit po contract to sell ang pinapapirma sa akin ng seller ng property na balak kong bilhin? Ang alam ko po kasi ay deed of sale ang tawag sa kontratang pinipirmahan kapag bentahan ng property. Tama po ba ang kontratang ginagamit namin? —Marco

Dear Marco,

Iba ang deed of sale sa contract to sell dahil sa contract to sell, hindi kaagad naililipat ang pagmamay-ari ng property sa buyer kahit pa nailipat na ang possession nito sa kanya at siya na ang umookupa nito. Kadalasan kasi ay hulugan o by installment ang paraan ng pagbabayad sa ganyang kasunduan kaya mapupunta lang ang lubos na pagmamay-ari o full ownership ng property sa buyer kapag nabayaran na niya ito ng buo.

Sa contract of sale o karaniwang deed of sale, agad na inililipat sa pangalan ng buyer ang property dahil kadalasan ay buo niya ring ibinibigay ang kabuuang bayad sa seller.

Mainam na basahin mong maigi ang mga nilalaman ng kontratang iyong papasukin para alam mo kung ano ba talaga ang kasunduang papasukin mo at kung naaayon ba ito sa inaasahan mo. Hindi mo naman inilahad ang eksaktong terms ng inyong napagkasunudan pero kung huhulugan mo ang bayad sa property na bibilhin mo, malamang na contract to sell nga ang kasunduan n’yo kaya hindi malilipat sa pangalan mo ang property hangga’t hindi mo pa nakukumpleto ang paghuhulog sa bayad.

DEED OF SALE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with