^

Punto Mo

EDITORYAL - Vandals

Pang-masa
EDITORYAL - Vandals

KAPANSIN-KAPANSIN sa maraming lugar sa Metro Manila na may mga nakasulat sa pader, footbridge, underpass o maski sa mga abandonadong bahay. Kung anu-ano ang mga nakasulat na ang iba ay hindi mawawaan o maintindihan. Halatang sinadya ang ginawang pagsusulat sapagkat spraypaint ang ginamit na kadalasang itim o pula. At hindi lang basta maliliit na letra ang pagkakasulat sa mga pader halimbawa. Nagdudumilat ang pagkakasulat na para bang ipinakikilala o iniaanunsiyo ang sinulat. Dahil sa gawaing ito, naging marusing ang pader, footbridge, waiting shed, haligi at iba pa.

Pero ngayon, hindi lamang sa pader at mga footbridge naka-concentrate ang vandals kundi pati na rin sa Metro Rail Transit. Nakakita sila ng magandang pagsusulatan at marahil nagkaroon ideya ang vandals na kung sa MRT sila mag-ooperate, laging makikita ang kanilang sinulat. Roving. Masisiyahan sila sapagkat pabalik-balik ang MRT na sinulatan.

Ganyan ang nangyari sa isang tren ng MRT-3  na nadiskubreng sinulatan sa kaliwang bahagi nito. Gulat na gulat ang driver ng train nang makitang may malaking sulat na “CRANKS” ang train. Nadiskubre ang pag-vandalized sa train nang lumabas ito sa Santolan Station noong Miyerkules ng gabi. Ayon sa report, maaaring ang pag-vandalized sa train ay naganap sa pagitan ng Taft Avenue at Magallanes Stations. Nakapasok umano ang mga vandals sa sinirang fence. Iniimbestigahan na ang pangyayari.

Ilang taon na ang nakarararaan, pinagsusulatan din ng vandals ang underpass sa tapat ng Manila City Hall. Galit na galit si Manila Mayor Isko Moreno sapagkat kasalukuyan noong ipinaaayos ang underpass. Sinulatan ang mga bagong pinturang pader.

Ayon sa report, karamihan umano sa mga nagsusulat sa pader, footbridge, waiting shed ay mga bagong miyembro ng fraternity at ang pagsusulat ay bahagi ng initiation. Kailangang makapagsulat para matanggap sa organisasyon. May mga lalaki  at babae umanong gumagawa ng pagsusulat.

Hindi naman mangyayari ang pag-vandalized sa mga property kung may mga nagpapatrulyang barangay tanod sa gabi. Siguro dapat paigtingin ng barangay ang pagroronda at mas maganda kung ang mga pulis na rin para madakma ang vandals. Dapat maturuan ng leksiyon ang mga ito.

VANDALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with