51 kilong langka, natagpuan sa isang bakuran sa India
Dahil sa lockdown sa India, maraming pamilya roon ang nagpapatubo na ng prutas at gulay sa kani-kanilang mga bakuran.
Hindi naman akalain ng isang pamilya sa Kerala, India na maari silang magkaroon ng Guinness World Record dahil sa puno nila ng langka na nasa kanilang bakuran
Natuklasan kasi nilang namunga ang puno nila ng isang dambuhalang langka na 51 kilo ang timbang.
Nagpasya tuloy si John Kutty na miyembro ng pamilyang nagmamay-ari sa puno na mag-apply sa Guinness World Records dahil nabasa niyang nasa 42.72 kilo lamang ang kasalukuyang record holder para sa pinakamabigat na langka sa mundo.
Tamang-tama naman ang pagkakatuklas sa 51 kilo na bunga dahil laman ng balita ngayon sa India ang mga langka.
Maraming nagsasabing mainam ang langka na pamalit sa karne lalo na ngayong laganap ang coronavirus. Madali raw kasing tamaan ng impeksiyon ang mahilig sa karne.
- Latest