^

Punto Mo

Kalampagin ang brgy. officials na ‘di nagpaparamdam sa nasasakupan!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Dapat din marahil magpakalat ng tauhan ang DILG sa iba’t ibang lugar para matututukan ang mga relief na isinasagawa ng mga local government units na ibinaba na sa kani-kanilang mga barangay.

Mukhang sa barangay level ngayon ang nagiging problema na rito nagkakaroon ng reklamo ang mga tao.

Hindi nga lang natin malaman kung alam ito o napapamahalaan ng mga mayor sa mga lungsod partikular sa Metro Manila.

May nakarating sa ating ulat na marami pa ring residente sa mga barangay sa ilang lungsod ang hindi pa nakakatanggap ng tulong matapos na ideklara ng pamahalaan ang total lockdown  sa buong Luzon.

Bagama’t naghihintay na lamang ang mga residente dahil baka naman naantala lang, pero mukhang hanggang sa ngayon ay wala man lang paramdam buhat sa mga opisyal ng barangay.

May sumbong pa na may ilang barangay d’yan sa Pasig City na nagbigay raw ng face masks sa kanilang nasasakupan, aba’y hinahagis pa raw sa kalsada.

‘Yung gawi nila kapag eleksyon na naghahagis ng t-shirt sa kampanya ay ganun ang ginawa sa pagbibigay ng face masks.

Anong klase bang sistema yan? Paki tingnan nga po ito Usec Martin Dino.

May babala rin ang DILG sa mga barangay officials, na ito ang dapat na malaman ng ating mga kababayan, na botante man o hindi sa lugar kailangang makatanggap ng tulong sa pamahalan.

Hindi ‘yung mga kaalyado lang nila ang binibigyan.

Kalampagin daw ninyo ang inyong barangay officials kung wala pang nakakarating na tulong sa inyo.

Isa pa rito ang checkpoint sa mga barangay na mga tanod lang ang nagmamando, nilinaw ng DILG na hindi ito maaari, dapat umano na may koordinasyon sa PNP.

Eto pa ngayon ang hinihintay ng marami ang patungkol sa pagbibigay ng goverment subsidies sa mahihirap na pamilya, dapat talaga may magmando dito dahil baka pagmulan pa ng korapsyon at hindi makarating sa ating mga kababayan ang tulong.

Ang ganitong mga nagsasamantalang opisyal sa panahon ng kalamidad at emergency ang dapat na mapatawan ng mabigat na parusa, kaya nga umayos kayo.

vuukle comment

BRGY. OFFICIALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with