^

Punto Mo

Police visibility palakasin laban sa mga kawatan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga at nagsisimula nang magparamdam ang mga kawatan at mga kriminal sa mga lansangan.

Kahapon lamang ng umaga, isang binata ang pinagbabaril at napatay ng riding in tandem na humoldap sa kanya.

Nag-withdraw lang ang biktima ng pera para sa kanyang ina na magdiriwang ng kaarawan.

Posibleng tiniktikan na nga mga kawatan ang biktima dahil pagka-withdraw ng pera ayun nilapitan na at hinoldap.

Hindi na lang kinuha ang pera, talagang binaril pa na naging dahilan nang pagkasawi nito.

Ito ang dapat ingatan ng ating mga kababayan, maging mapagmatyag dahil nga nakakalat na ang mga kawatan at elementong kriminal na naghahanap na kanilang masisila.

Walang pinipiling oras ang mga ito basta’t may pagkakataon na makapangbiktima, sasalakay at sasalakay ang mga ito.

Lalo na nga ngayon at papalapit na ang holiday season.

Sana ay makita na ang malakas na police visibility sa mga lansangan na magbabantay sa ating mga kababayan laban sa pagsalakay ng mga kawatan.

Lalo na nga’t inaasahan sa ganitong panahon ang pagtaas ng kaso ng mga petty o street.

Malaking bagay ang nakikita sa iba’t ibang lugar ang mga unipormadong pulis kahit papaano ay napipigil ang mga pag-atake ng mga pasaway.

Kaya nga sa ating mga ka-Responde, maging mapagmasid sa paligid, hanggat maaari mag-withdraw sa mga ATM machine na may nakabantay na guwardiya, iwasan sa madidilim na lugar.

Sana ay hindi mabigo ang ating mga kababayan sa ating kapulisan na mabigyan sila ng sapat na prokteksyon at seguridad laban sa mga kawatan.

POLICE VISIBILITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with