^

Punto Mo

EDITORYAL - Hamon sa PNP ang riding-in-tandem

Pang-masa
EDITORYAL - Hamon sa PNP ang riding-in-tandem

WALANG patumangga ang pagsalakay ng riding-in-tandem criminals. Wala nang kinatatakutan ang mga ito. Kahit sa liwanag ng araw, at karamihan ng tao, bumabanat. Lahat ng mga nangyayaring krimen sa kasalukuyan ay kagagawan ng riding-in-tandem at hindi sila nadadakma ng mga pulis. Naging kulelat ang Philippine National Police (PNP) sapagkat walang riding-in-tandem na nadakma makaraang maisagawa ang krimen.

Ang matindi pa, pati pulis itinutumba na ng riding-in-tandem. Mukhang mas mahusay dumiskarte ang mga ito sapagkat hindi natutunugan o nararamdaman ng mga pulis. Nasaan ba ang mga pulis at nalulusutan ng mga killer na magkaangkas sa motorsiklo?

Noong Biyernes, isang pulis ang pinagbabaril ng riding-in-tandem sa Boni Serrano Ave., Quezon City, malapit sa Camp Crame. Ang napatay ay si P/Staff Sergeant Fernando Diamzon, ng Intelligence Group. Pauwi na si Diamzon galing Crame nang tambangan ng riding-in-tandem. Blanko ang pulisya sa pagpatay kay Diamzon.

Kamakailan, pinagbabaril din ng riding-in-tandem ang isang lady prosecutor sa Calapan City, Oriental Mindoro. Ayon sa mga pulis, dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo ang bumaril sa fiscal dakong 9:30 ng umaga. Pagkaraang barilin, mabilis na tumakas ang mga salarin. Blanko ang pulisya sa motibo ng pamamaril sa lady prosecutor na himala namang nakaligtas.

Riding-in-tandem din ang pumatay sa dating mamamahayag na si Adam Moraleta na pinagbabaril malapit sa bahay nito sa Bgy. Holy Spirit, Quezon City, ilang linggo na ang nakararaan. Ayon sa mga nakasaksi, nakita nilang dumating ang riding-in-tandem at pinagbabaril si Moraleta.

Hindi lamang sa pagpatay lumilinya ang riding-in-tandem kundi pati na rin sa panghoholdap, pang-aagaw ng cell phone, bag at iba pang mahahalagang gamit. Biglang susulpot sa likuran ng biktima ang riding-in-tandem at magdedeklara ng holdap. Sila rin ang nanghoholdap sa mga convenient store, 24-hour eatery, gasolinahan at computer shop.

Hindi na ligtas ang mamamayan sa pagsalakay ng mga criminal na ito. Delikado ang mamamayan. Kung ang pulis ay kayang patayin ng riding-in-tandem criminals, paano pa ang karaniwang mamamayan. Hamon sa PNP ang nangyayaring ito. Sa nakikita, tila ba wala silang lakas para labanan ang riding-in-tandem. Ipakita ng PNP na mas malakas sila kaysa mga criminal. Magkaroon ng regular na pagpapatrulya para mapigilan ang mga kriminal na naka-motorsiklo.

CRIMINALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with