^

Punto Mo

Pres. Digong, tibagin mo ang raket na RFI!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

KINUMPRONTA ni NCRPO director Maj. Gen. Guil­lermo Eleazar si Lt. Col. Rolando Magdaluyo, ang hepe ng Station 1 ng MPD, tungkol sa nawawalang nakumpiskang pekeng sigarilyo na nagkakahalaga ng P725,000. Siyempre, deny to death si Magdaluyo na may nangyaring hokus-pokus sa kaso ng pekeng sigarilyo. Ang palusot pa ni Magdaluyo ay kumpleto papeles sila at handa silang humarap sa anumang imbestigasyon para linisin ang kanilang pangalan.

Matatandaan na pinaimbestigahan ni Eleazar ang missing cigarettes matapos may nag-tip sa kanya na ibinenta ng isang PCP commander ang nakumpiskang sigarilyo. Ito ay pagkatapos maayos ng isang Tobias ang kaso sa piskalya at maging RFI o release for further investigation at presto...pera na ang kalalabasan nito, ‘di ba mga kosa. Subalit alam ni President Digong ang RFI dahil minsan din siyang naging miyembro ng piskalya. Araguuyyy! Kaya dapat ipahinto ni Digong ang RFI dahil lumang tugtugin na ito na pala-ging ginagamit ng sabwatang pulis at piskal para huthutan ang mga taong may kaso, ‘di ba mga kosa? Ang huling balita kahapon iniutos ni Magdaluyo sa kanyang enkargado na si Cpl. Dennis Ramos na maghanap na sigarilyo. Hak hak hak! Kahit RFI pa ang kaso, dapat ilutang ni Magdaluyo ang ebidensiya, ‘di ba President Digong Sir?

Umani naman ng samu’t saring komento sa social media ang isyu tungkol sa missing cigarettes sa custody ng Station 1 sa Tondo. Ayon sa kosa kong PNPA graduate, “Noto-rious talaga yang si Magdaluyo sa pitsa. Magreretiro na ‘yan next year subalit hindi pa rin nagbabago. Baka ma-last touch siya diyan.” Si kosang Ric Reyes naman ay nagsabing, “Naloko na! Ang station commander, ‘yan ang hirap pag pulis probinsiya di lahat pag na-assign sa Maynila nagiging matakaw sa pitcha. Hehehe! Dahil sa tinuruan ng pulis Maynila tumanggap ng pitcha. hahaha!” Ang komento naman ni kosang Vic Endriga, “Hinitit siguro ng mga parak kosang Non. Nag-smoking sessions sila o kaya binagsak kay Bejo sa Binondo.” “Bukol sila kosang Non,” yan naman ang tugon ni kosang Jun Mendoza. Si kosang Manny Alcala naman, “Tama ka kosa. Simple lang i-file pero maluwag ang affidavit ng pulis tapos may kausap nang fixcal. Get’s n’yo RFI?” Araguuyyy! Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Tinitiyak naman ni kosang Felix Vargas na madaling mabuking ang RFI na sistema henceforth madaling tumbukin. “Si Guillor ay hindi ordinaryong intel offr, di nila alam. Buong Pilipinas against sa backdrop na MM lang? Hihihi! Maghanap na sila ng trabaho. Wow mali sila sa pagmemenos sa talino ni NCRPO commander.” Hak hak hak! Hindi puwedeng isantabi ang komento ni kosang Felix dahil halos limang dekada ito sa PNP, lalo na sa CIDG. Tumpak!

Sa ganang akin naman, ayaw ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde ng ganitong raket ng mga pulis natin, na ang palaging kawawa ay ang sambayanan. Dapat sigurong himasukan na din ni Albayalde ang kaso ng missing cigarette, di ba mga kosa? Panahon na para matibag ang raket na RFI! Abangan!

RFI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with