^

Punto Mo

Mas mainit na kampanya, arangkada na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Arangkada na rin ngayon ang kampanya sa mga tatakbo sa mga lokal na posisyon para sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

Ibig lang sabihin mas darami pa lalo ang  kakalat  na campaign materials ng mga kandidato.

Kung ngayon pa lamang kitang-kita na ang sangkaterbang banner, streamer at campaign materials ng mga kandidato sa nasyunal na posisyon, baka hindi lang ito ma-doble,  kundi ma-triple dahil sa pag-arangkada na ng kampanya sa lokal.

Kung kampanya rin lang ang pag-uusapan, aba’y masasabing mas matindi ang kampanya sa mga local post.

Kaya nga mas mahigpit na pagbabantay ang isasagawa ng PNP lalo pa nga’t aminado sila maging ang Comelec na mas mainit ang nagiging laban sa mga lokal na posisyon.

Maliit lang kasi ang iniikutan ng mga kandidato, kadalasan nagkakasalubong pa sa daan  ang magkakatunggaling grupo.

Dito ang payo ng mga awtoridad, iwasan sana ang mainitang komprontasyon o kantiyawan na madalas na simulan ng kaguluhan. Hindi namamalayan nagkakasakitan kung minsan pa   nga nauuwi pa sa patayan.

Sa kabila na tumaas ang bilang ng  mga election hotspots na mahigpit na babantayan ng PNP, wala naman daw lugar sa Metro Manila ang sinasabing napabilang dito.

Magkagayunman, dapat pa rin ang mahinahong mga kampanya. Marapat lamang na mabantayan din ng mga kandidato ang kanilang mga supporters at bilinan na huwag sumangkot sa anumang kaguluhan.

Masunod din sana nila ang  mga patakaran sa mga   campaign materials na mailagay o maikabit sa tamang lugar.

Isa pa rin kasi yan sa pinagmumulan ng bangayan ng magkakatunggaling grupo.

Kadalasang pagnagkabit ng poster ang isang kanmdidato, naku kinabukasan  asahan mo mukha na ng kalaban ang nandoon. Paano nga tinatakpan ng mga supporters ng kalaban kaya madalas na magkainitan.

 

ARANGKADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with