^

Punto Mo

Nakalusot na shabu sa Customs, anyare?

PULSO NG MASA - Pang-masa

Wala na bang pag-iimbestiga sa mga nakalusot na shabu sa Bureau of Customs? Mula nang magpalit ng pamunuan sa Customs noong nakaraang buwan, wala nang narinig ukol sa nakalusot na shabu na inilagay umano sa magnetic lifters.

Nasaan na ang consignee ng magnetic lifters at hindi na naimbestigahan pa. Sino rin ang may-ari ng bodega sa GMA, Cavite kung saan dinala ang magnetic lifters? Bakit hindi imbestigahan para malaman ang katotohanan na ang mga nagdala ng magnetic lifters ay mga Chinese, ayon sa report.

Sabi ng PDEA, may traces ng shabu ang loob ng magnetic lifters at pinatunayan ito nang maamoy ng trained dogs ang laman. Umupo umano ang aso sa bahaging ina­moy na isang palatandaan na may droga nga sa loob. Hindi nga lang agad naniwala ang Customs chief noon sa sinasabi ng PDEA at maski nga si President Duterte ay nagpahayag na pawang espekulasyon lamang ang lahat na may lamang droga ang magnetic lifters. Ayon sa PDEA, nasa P11 bilyon ang halaga ng shabu na nailusot sa pamamagitan ng magnetic lifters.

Nakapanlulumo na maigting ang kampanya ng pamahalaan sa illegal na droga subalit nalulusutan pa rin dahil may kasabwat ang sindikato na mga corrupt opisyal at empleado sa Customs. Natitiyak ko na ang mga nakukumpisakang shabu sa kalye ngayon sa buong bansa ay galing sa mga nailusot na shipment sa Customs.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nakalusot ang shabu sa Customs. Noong nakaraang taon, nasa P6.4 halaga ng shabu ang nailusot at hanggang ngayon, wala na ring balita kung nasaan ang kontrabando. Nadispatsa na rin at nakakalat na sa kalye. Ang kontobersiyang iyon din ang dahilan kaya nagbitiw sa Customs si Commissioner Nicanor Faeldon. Inilipat naman siya sa ibang posisyon ni President Duterte at ngayon ay nasa Bureau of Corrections (BuCor) na siya.

Ano na nga ang nangyari sa mga pag-iimbestiga sa mga nakalusot na droga sa Customs. Naalala ko, nagkaroon ng imbestigasyon sa Senado at maraming ipinatawag na personalidad. Pero sa dakong huli, wala ring nangyari.

Sana naman, ang bagong namumuno sa Customs ay hindi malulusutan ng droga at ganap sanang maputol na ang katiwalian sa nasabing ahensiya. Hindi na sana mamayagpag ang mga masisiba roon. --- LEO ORCASITAS, Project 6, Quezon City

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with